3 suspek sa murder arestado

NAARESTO kahapon ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong lalaking suspek sa madugong pagpatay sa isang tricycle driver noong nakaraang taon.

Iprinisinta sa mamamahayag ni NBI Director Magtanggol Gatdula ang mga suspek na sina: Edwin Bermejo, 28, alyas “Duol,” obrero ng Norzagaray Bulacan; Avelino Mancio, 23, alyas “Dodong,” ng SFDM, Bulacan; at Roldan Araos, 29, alyas “Jojo,” pintor, ng Norzagaray, Bulacan.

Sa report, ang suspek na si Bermejo ay naaresto sa Villareal, Novaliches, Quezon City, habang sina Mancio at Araos ay nahuli ng NBI-Cagayan Valley Regional Office (CAVRO) sa Bascaran, Nueva Vizcaya.

Ang pagkakaaresto sa tatlong suspek ay bunsod sa reklamo ni Marissa Ramos, asawa ng napatay na biktima na si Angelito Ramos.

Nabatid na noong nakaraang taon ay pumunta umano ang suspek sakay ng kanyang tricycle sa Area C, Sapang Palay, Bulacan nang parahin ng mga suspek na lango umano sa ipinagbabawal na gamot.

Pagsakay ng mga suspek ay walang sabi-sabing inundayan ang biktima ng saksak at sinamurai pa dahilan ng kanyang agad na pagkamatay.

Humingi naman ng tulong sa NBI ang asawa ng biktima na si Marissa na nauwi sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Itinuro si Mancio ng kanyang mga kasamahan na umano’y mastermind ng krimen.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login