Bangkay ng bebot lumutang sa ilog Pasig

ISANG bangkay ng babae ang natagpuang palutang-lutang sa Ilog Pasig  sa Pandacan,  Maynila kamakalawa ng hapon.

Hinihinalang itinapon sa ibang lugar at inanod lamang ng alon ang katawan ng biktimang inilarawang nasa edad na 18-20, may taas na 5’1”, mahaba ang buhok, nakasuot ng bulaklaking blouse at walang saplot pang-ibaba.

Ayon sa report, dakong alas-dos ng hapon nang nadiskubreng nakalutang ang biktima sa ilog.

Isang hindi nagpakilalang lalaki na naglilinis umano sa Pasig River gamit ang backhoe ang nakapansin ng katawan ng biktima  na nakalutang at agad nagtimbre sa Philipine Coast Guard (PCG).

Lumalalabas sa imbestigasyon na walang anumang palatandaan na pinahirapan o sinaktan ang biktima.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login