Cesar Montano Kapusong muli

Pagbabalik tahanan ang tawag ni Cesar Montano sa kanyang pagpirma ng kontrata sa GMA Network para gawing opisyal ang kanyang pagigigng certified Kapuso star.

Matatandaan na sa GMA Films ginawa ni Cesar ang ilang award-winning projects tulad ng “Jose Rizal” noong 1998 at “Muro Ami” noong 1999.

“Bumalik lang ako pero nakakapanibago lang, kasi for a long time…10 years eh, maraming bago…Excited ako, I’m sure it’s gonna be challenging and fulfilling for me,” pahayag ni Cesar sa panayam ni Lhar Santiago para sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.

Noong 2007, nakatakda na siyang magtrabaho sa Kapuso Network pero naunsiyami ito nang bigla siyang kumandidatong senador ngunit hindi pinalad na manalo.

Ginawa ni Cesar ang pagpirma ng kontrata sa GMA Network Center nitong Huwebes. Nandoon ang mga big boss ng Kapuso na sina Atty Felipe L. Gozon, president, chairman and CEO, GMA Network Inc; Gilberto R Duavit Jr., EVP, COO, GMA Network; at Ms Wilma V Galvante, SVP GMA Entertainment TV.

“Tuwang-tuwa tayo’t bumalik sa atin si Cesar. Alam naman ng lahat na napakagaling na artista n’yan…puwedeng singing, puwedeng kahit na ano eh,” pahayag ni Atty. Gozon.

“Madalang ang ganyang kahusay, maging sa action, maging sa drama, maging sa kantahan, maging sa hosting, maski sitcom,” papuri naman ni Mr Duavit.

Lubos naman ang pasasalamat ni Ms Galvante kay Cesar sa pagpayag nitong bumalik sa Kapuso.

Nagsimula na rin ang aktor na magtaping sa isang soap kung saan kasama niya sina Aljur Abrenica at Rhian Ramos.

“Napakasarap, magada yung trabaho namin. Dito lang kami sa Quezon City nagtrabaho we took all the easy scenes,” kuwento ni Buboy, palayaw ni Cesar.

Idinagdag pa ng aktor na hindi naging mahirap para sa kanya na magdesisyon na pumirma ng kontrata sa GMA 7.

“When they offered it, kumpletoa tsaka nakakatuwa yung inoffer nila sa akin, nagustuhan ko naman agad. Sabi ko sige go tayo diyan. Lahat naman ng demands namin, yung mga ano okey naman sa kanila, okey go,” ayon kay Cesar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login