Chinese businessman kritikal sa 2 holdaper

KRITIKAL ang isang negosyanteng Chinese makaraang pagbabarilin ng dalawang di pa nakikilalang holdaper sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Sze Man Yim, 60, negosyante ng 1633 Oroqueta St., Sta Cruz, Maynila.

Sa imbestigasyon, dakong ika-1:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa J. Teodoro St. at 3rd Ave. sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima sa 3rd Ave. sa kanto ng J. Teodoro St. nang salubungin siya ng dalawang suspek na armado ng hindi pa nababatid na kalibre ng baril.

Nagdeklara ng holdap ang mga suspek at puwersahang kinuha ang dalang P200,000 cash ng biktima.

Ayon sa mga pahayag ng mga testigong sina Edralyn  Redondo at Ricardo Quilat, pawang mga residente sa lugar, pumalag umano ang biktima kaya binaril siya ng mga suspek.  Jun Samson

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login