Dalaga pinulutan ng kainuman

KULONG ang isang binata matapos pasukin sa banyo at halayin ang isang dalaga sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Jonathan Arrieta, 29, ng 6th Ave., Caloocan City.

Sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang “Leila,” 18, dakong ala-una ng umaga habang nakikipag-inuman siya at ilang kaibigan kabilang ang suspek sa Chigaco St., Ciudad Grande, Lingunan ay nagtungo siya sa banyo.

Laking gulat umano ng biktima nang biglang pinasok siya ng suspek sa banyo at saka ginahasa.

Sa takot umano na saktan ng suspek ay walang nagawa ang biktima hanggang sa magtagumpay si Arrieta sa kanyang masamang balak.

Matapos makaraos ay iniwan ng suspek ang biktima, na nagsumbong sa kaibigan.

Agad nilang ipinaalam sa awtoridad, na tumugis at dumakip sa suspek.  Rene Manahan

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login