Drayber tiklo sa droga

TIKLO ang 29-anyos na lalaki makaraang makumpiskahan ng droga matapos sitahin dahil sa umano’y paglabag sa batas-trapiko sa Sta. Cruz, Manila kamakalwa ng hapon.

Hawak na ng Manila Police District (MPD)-Station 3 (Sta Cruz) ang suspek na si Jeffrey Tuyay ng LRC compound, CM Recto Ave., Sta Cruz, Maynila

Sa report, dakong alas-kwatro hapon nang naganap ang insidente sa Oroquieta St., Sta Cruz, Maynila.

Nabatid na mabilis na minamaneho ng suspek ang kanyang itim na Honda Wave na motorsiklo sa nasabing lugar kaya’t sinita siya ng mga nagpapatrulyang pulis.

Nang hingin ng huli ang lisensya ng suspek, wala umanong maipakita ito. Kinapkapan siya ng awtoridad at natagpuan sa kanyang pag-iingat ang isang sachet na may lamang 5.8 gramong shabu.

Kasong paglabag sa Article 2, Section 11 ng Republic Act (RA) 9165 o illegal possession of dangerous drugs at RA 4136 (Land Transportation and Traffic Code) ang isinampang kaso laban kay Tuyay.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login