Mga patay na isda naglutangan

POSIBLENG nagmula sa umapaw na fish pond sa look ng Laguna ang iba’t ibang uri ng isdang tubig tabang na nagsilutangan sa ilalim ng Guadalupe Bridge sa Makati City kahapon.

Halos nabubulok na ang mga isda na kinabibilangan ng pla-pla, imelda at tilapya nang makita ng mga residente sa Barangay Cembo.

Hinala ng mga residente na nakawala sa mga fish pond mula sa parte ng Laguna ang mga isda sanhi ng pananalasa ng bagyong Basyang nitong nakaraang Martes ng gabi.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Makati City Mayor Jun-jun Binay ang mga residente na huwag magtangkang kainin ang mga naglutangang isda upang matiyak ang kanilang kaligtasan.    Johnny F. Arasga

About admin

You must be logged in to post a comment Login