Pamilya ng parak nanggulpi

NASA balag ng alanganin ngayon ang isang pulis at kanyang pamilya makaraang manggulpi sila ng isa pang pamilya sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina: PO3 Resty Cunanan, 36, na nakatalaga sa Valenzuela City Police Station; Fernando Cunanan Sr. 61 ; Fernando Cunanan Jr. at Raffy Cunanan, na pawang nakatira sa 102 Pineapple Rd., Brgy. Potrero sa Malabon City.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Olivia Quong, 46, food vendor, Ruben Quong, 53, at kanilang dalawang anak na menor de edad, pawang ng 98-A Pineapple Rd., Brgy. Potrero Malabon City at isang Matthew Tamayo, 53, barangay tanod.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente ika-5:30 ng hapon sa Pineapple Rd.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nasa loob ng bahay ang mga biktima nang pasukin ng suspek na umano’y lasing at bitbit ang baril. Kasama umano nito ang kanyang ama at mga kapatid.

Hindi na umano nakalaban ang mga biktima, na pinaggugulpi ng mga suspek.

Sa kabila ng mga suntok ay nagawang makalabas ng bahay ni Olivia at humingi ng tulong sa dumaraang barangay tanod na si Matthew.

Ngunit imbes na magpaawat ay ginulpi umano ng mga suspek ang tanod.

Nabatid na nagkaroon ng alitan ang dalawang pamilya na nag-ugat sa umano’y panggugulpi ng pamilya Quong sa pulis. Jun Samson

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login