Tsinoy dinukot

INIIMBESTIGAHAN na ng mga pulis ang pagdukot sa isang Tsinoy sa Malabon City kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Ben Chua ng Chico Rd., Potrero sa nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong ika-6:20 ng umaga nang kumatok ang mga suspek sa bahay ng biktima.

Matapos silang pagbuksan ni Chua, kinaladkad ng mga suspek ang biktima sa labas ng bahay nito bago isinakay sa naghihintay na puting taxi (TXU-592).

Agad umalis ang taxi habang humingi naman ng tulong ang mga kaanak ng biktima sa mga pulis. Rene Manahan

High-profile crimes tututukan ng NBI

HINDI na pagtutuunan pa ng pansin ng National Bureau of Investigation (NBI)  ang pagre-raid sa mga club o beerhouse  dahil ito ay trabaho umano ng mga pulis.

Sa halip ay tututukan umano ng ahensya ang pagresolba ng high-profile crimes.

“Ibibigay na natin ang mga trabahong ganyan sa mga pulis, dahil ang trabaho natin ay mag-imbestiga,” ayon kay Gatdula.

Aniya, nagsasagawa na ang mga ahente ng NBI ng konsultasyon at nirerebisa ang organisasyon ng NBI para malaman kung sino pa ang mga empleyado o opisyal na dapat ilagay sa iba’t ibang yunit.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login