‘Born to Be Wild’ host, ipina-vote out agad sa Survivor Philippines

NAKILALA na ang 18 castaways na maglalaban-laban sa Survivor Phils Celebrity Edition. Naloka kami dahil ýung iba ay halatang pumayat at ang itim-itim na ngayon tulad nina Michelle Madrigal at Akihiro Sato.

‘Yung iba naman ay maputi pa rin at walang pagbabagong nangyari sa kanilang itsura tulad nina Princess Snell, Ahron Villena at Karen delos Reyes.

Tuloy nagkausap-usap ang press people at nagpasyang ang mga nangitim nang husto tulad nina Akihiro, Michelle, Elma Muros, Pretty Trizsa, Jon Hall, Aira Bermudez, Ian Batherson at Aubrey Miles ang mga nagtagal sa island at kasama sa bumuo ng council.

Samantala, dati nang maitim si Myka Flores ng Bubble Gang kaya hindi mo mahulaan kung nagtagal ba siya sa island o hindi. Hahaha!

Hindi masyadong umitim ang bet naming si Doc Ferdz Recio ng Born To Be Wild kaya naghinala kami na isa siya sa unang na-vote out ng mga castaway. Aminado si Doc Ferdz na naging disadvantage para sa kanya ang pagiging host niya ng BTBW kasi aware na ang ibang castaway na sanay at magaling siya sa survival skills kaya siya ang pinuntirya kaagad na ma-eliminate.

“From day one, ako na kaagad ang puntirya ni John Hall. Ginawa niya talaga ang lahat para matanggal ako. Ako naman dahil nga sa reputation ko ay nagpa-low profile ako. I try not to be a threat to the others. Ni hindi nga ako pumayag na maging lider ng tribe namin e,” pahayag ni Doc Ferdz na ang gwapo pala sa personal.

And to all the pretty single ladies out there, bachelor pa pala si Doc Ferdz. And he’s still young at 33!

EX-BF NI MARIAN RIVERA, TIKOM ANG BIBIG SA HIWALAYAN NILA

First time rin naming nakita sa personal si  ang infamous na ex-boyfriend ni Marian Rivera. He’s very good looking pala and very tall at 6’2. Aba mas mataas pa siya sa host ng Survivor Phils na si Richard Gutierrez na 6 feet flat. Hamak na mas mataas din siya sa present boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes who stands  5’10.”

Ngayon lang naman napagtanto na mahilig pala talaga si Marian sa matatangkad! And take note 7 years din palang nagtagal ang relasyon nila Ervic at Marian. Nagkakilala sila sa inter-school competition ng Mr. and Ms. St. Francis. He was 15 at 17 naman noon si Marian.

Biglang siyang nagkaroon ng amnesia nang tanungin na naming ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Marian after 7 long years! Ayaw niyang sabihin ang dahilan at ayaw rin niyang sagutin ang tanong naming kung si Dingdong ba ang naging dahilan ng paghihiwalay nila.

“Ayoko na kasing pag-usapan pa si Marian kasi close ako sa lola ni Marian at ayokong makasakit pa. What is past is past. Basta ang masasabi ko lang, never akong nagselos kay Dingdong,” tugon ni Ervic.

Balak na niyang ituloy-tuloy ang career niya sa showbiz. Pwede rin daw siya sa mga teleserye kapag may mag-alok sa kanya. Pero hindi niya masagot kung okey lang bang magsama sila ni Marian sa isang teleserye. “Basta no comment na lang ako kay Marian,” susog ni Ervic na isang basketbolista.

***

Pananatiliin ni Richard Gutierrez ang kanyang bagong semi-kalbo look. Ganoon daw ang itsura niya nang nagsisimula palang siya sa showbiz at BF ni Anne Curtis noon.

Ang next project niya ay ang Captain Barbel na malamang sa January 2011 na ipapalabas kasi hanggang December raw tatagal ang Survivor Phils Celebrity Edition. Hindi pa niya alam, kung sino ang magiging leading lady niya. Pero gusto raw niyang makatrabaho sina Carla Abellana at Lovi Poe kasi hindi pa niya nakakasama ang mga ito kahit minsan. Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply