“Give breastfeeding moms a (lactation) break”—Pia Cayetano

BUMAGSAK sa mahigit  walong milyon ang ibinaba ng bilang ng mga sanggol at batang namamatay sa buong mundo noong 2008 mula sa 13-milyon noong 1990 dahil sa ekslusibong pagpapasuso ng mga ina ayon sa Department of Health (DOH). Sa pagdiriwang ng Breastfeeding Month, Breastfeeding: Just 10 Steps The Baby-Friendly Way,  inihayag ng DOH na isa ang Pilipinas sa 33 bansa na nakakumpleto ng World Breastfeeding Trends Initiative (WBTI), pangdaigdigang hakbang sa kalusugan ng ina at sanggol para maibsan ang pagkamatay ng mga ito; samantalang 40 pa ang sumasailalim sa pagsasanay para sa WBTI.

Tiniyak ni Health Sec. Enrique T. Ona, na ang pagpapasuso ay nagpapaganda sa kalusugan ng ina at sanggol.   Magiging daan din ito marating natin ang Millennium Development Goal (MDG) kung saan ang Pilipinas ay isa sa lumagda dito para mabawasan ang child mortality at Improvement of maternal health sa taong 2015.

“Give breastfeeding moms a (lactation) break!”

Kasabay ng Breastfeeding Month, nanawagan si Sen. Pia Cayetano sa employers mula sa gobyerno at pribado na ipatupad ang bagong batas na payagan ang kanilang breastfeeding employees na magkaroon ng oras sa trabaho na makapag-ipon ng kanilang gatas (brastmilk) habang nasa trabaho para  maiuuwi sa kanilang sanggol.

Ang Republic Act 10024, o ang  “Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009” ay nagbibigay pahintulot sa mga ina na ipagpatuloy ang pagpapasuso pagbalik sa trabaho matapos manganak. “Reporting back to work should now pose less of a hindrance to workingmoms who want to continue giving breast milk to their newborn,” ayon kay Cayetano, principal author ng RA 10024 at Chairperson, SenateCommittees on Health and Demography and Youth, Women and FamilyRelations.

Bilang isang breastfeeding advocate,  naipagpatuloy nito ang pagpapasuso sa 2 anak bago pa man pumasok sa pulitika dahil sa determinasyon at supportive office environment. Hinikayat nito ang mga ahensiya ng gobyerno na maging modelo sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa ‘lactation breaks’ at paglalagay nglactation stations para sa  breastfeeding employees sa pampublikong sektor.  “All government offices should strive to become working mother- and baby-friendly establishments.” Aniya, ang kakulangan ng oras , suporta at pasilidad sa workplaces ang ilan sa nagpapahirap sa mga ina na ipagpatuloy ang pagbibigay ng malusog at ligtas na gatas sa sanggol.

Naglagay na ng lactation stations ang ilang malls sa Metro Manila urban centers sa bansa  sa loob ng kanilang nasasakupan at pribadong tanggapan gaya ng call centers. Sa ilalim ng batas, ang lactation break ay dapat na nasa minimum ng 40 minuto sa bawat breastfeeding employee kada walong oras  bukod pa saregular na oras ng pagkain. Ang lactation stations ay itinalagang pribadong lugar na makapag-iipon ang ina ng kaniyang gatas. Ito’y dapat na may sapat na mga gamit gaya ng refrigerator o cooling facility para mapanatiling sariwa ang gatas hanggang sa makauwi ng bahay ang ina; lababo para sa paghuhugay ng kamay bago at pagkatapos mag-ipon;  electrical outlets para sa breast pumps; at isang maliit na mesa at silya para maging komportable.

“Expenses incurred by establishments in compliance with the law will beconsidered deductible expenses for income tax purposes that can be upto twice the actual amount incurred. But the establishments mustsecure a “Working Mother and Baby-Friendly Certificate” from the DOH to be filed with the Bureau of Internal Revenue before they can avail of the tax incentive,” ayon pa sa batas.

Kinikilala ni Cayetano ang SM malls dahil sa pagiging friendly mall nito sa kanilang mga inang kostumers nanagpapasuso habang nagsa-shopping kasama ang baby.

Breastmilk banks

Kung ang pera ay pwedeng ilagak sa bangko,  pwede din itong gawin sa gatas ng ina. Hinihikayat din ng RA 10024 na himukin ang health institutions na maglagay ng breast milk banks para doon ilagak ang ‘pasteurized breast milk’  na idinonate ng mga inang nagpapasuso.

Ayon kay Cayetano,  katunayan sinimulan na ito ng Philippine General Hospital (PGH), Fabella Hospital sa Maynila at sa community milk bank sa Guadalupe Nuevo, Makati City at tuloy-tuloy hanggang sa mga panahong ito. Layunin nito na makatulong sa mga ina na hindi makapag-prodyus ng kanilang gatas at sa mga sanggol na may malubhang kalagayan.

Aniya, marami ng pag-aaral ang nagpatunay na hindi matatawaran ang kahalagahn ng gatas ng ina kesa sa infant milk formula bilang panlaban sa mga sakit ng sanggol gaya ng pagtatae, malanutrisyon, impeksyon at iba pa.

Sa panahon ng matinding kalamidad at hindi maiiwasan na ilikas ang pamilya sa evacuation centers, iginiit pa ni Cayetano na hindi dapat na maging hadlang ito para ipagpatuloy ang pagpapasuso sa sanggol bagama’t magulo ang kundisyon sa mga ganitong lugar.

“Nanatiling pinakamura, pinakaligtas at mabisang pangontra laban sa pagtatae ng sanggol ang gatas ng ina.  Hindi na ito mangangailangan pa ng pagpapakulo ng tubig at pagbabanli ng mga bote kundi ‘available’ ito anumang oras kailanganin ni baby.”

Nauna dito, magugunita na sinuportahan ng lady senator ang kautusan ng DOH na ipagbawal o higpitan ang pagdo-donate ng infant formula sa evacuation centers.  Ito’y suportado din ng World Health Organization (WHO).

“Dapat ilaan na lang natin ang pera sa pagkain at malinis na tubig para makapagbigay ng wastong nutrisyon sa mga ina at sanggol.

“Magandang simbolo ng bayanihan ang pagtulong ng mga human milk donor. Tinutulungan nila hindi lamang ang kanilang kapwa ina, magkatuwang pa nilang naililigtas ang susunod na henerasyon ngayong panahon ng matinding krisis.”

Ang inilunsad na community milk bank sa Makati, proyekto ng Comapanero Rene Cayetano Foundation, ama ng magkapatid na senador na sina Pia at Allan Peter sa pakikipagtulungan ng Makati City Health Department at Makati Rep. Abigail Binay.

Alinsunod pa rin sa batas, isasama ang Breastfeeding education curriculum sa ilalim ng mga kaugnay na subjects sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa bansa.  Linda Bohol

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply