1 bangkay narekober, 11 missing pa rin

ISA pang bangkay ng tripulante mula sa lumubog na cargo vessel noong Sabado sa karagatan sakop ng Dos Hermananas Island sa Romblon ang narekober ng Philippine Coast Guard (PCG).

Kinilala ni Lieutenant Commander Arman Balilo, spokesman ng PCG ang ikalawang casualty na si Clenton Jaye Benegla, 22, ng Bgy. Cupao, Cebu na narekober ang bangkay sa karagatan na sakop ng Bgy. Matandang Sabang, Catanauan, Quezon.

Magugunita na noong Lunes ay narekober ang bangkay ng Chief Engineer ng lumubog na M/V SF Freighter na si Meno Wenceslao, habang tatlo pa kabilang ang kapitan ng barko ang nasagip, na nakilalang sina  Julito Cortejos,  skipper; Joseph Jabonite, assistant engineer at Jerry Cortez, crane operator.

Patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operations ng PCG sa nawawala pang 11 tripulante nang lumubog na cargo vessel.

Nabatid na ang bangkay ni Wenceslao ay nakita sa General Luna, Quezon, gayundin sina Cortejos at Cortez, habang si Jabonite ay nasagip sa Catanauan, Quezon.

Base sa report na nakarating sa PCG Headquarters sa Maynila, dakong 8:30 ng gabi noong Agosto 5 ay umalis sa Maynila, papuntang Cebu at noong Agosto 7, nakasalubong nito ang mga higanteng alon sa layong 11 nautical miles mula Semira Island sa Romblon na naging sanhi para masira ang makina hanggang sa lumubog sa nabanggit na lugar.

Dakong 2:20 ng madaling-araw nang ideklara ni Cortejos na iabandona na ang barko kung saan sumakay sa dalawang lifeboats ang mga opisyal at tripulante, ngunit minalas na makasalubong ng malalaking alon dahilan para magkahiwa-hiwalay. Jocelyn-Tabangcura Domenden

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply