14 kilo ng shabu nasabat sa NAIA

SINUSURI na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang closed-circuit  television (CCTV) ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) footage upang matukoy ang Malaysian national na nagtangkang magpuslit ng droga sa bansa kahapon ng madaling-araw.

Nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) sa NAIA Terminal 2 ang 14 kilo ng shabu na tinangkang ipuslit sa bansa ni Teoh Chee Keong.

Batay sa ulat, dumating sa bansa ang suspek na si  Keong, isang negosyante, sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight PR 733 galing Bangkok, Thailand.

Naghinala umano ang opisyal dahil kakaiba ang bigat ng trolley bag ng suspek.

Nang siyasatin ay natagpuang may nakatagong lalagyan sa ilalim nito.

Unang nakita ng BOC sa bagahe ng Malaysian ang pitong pakete ng shabu na may bigat na pitong kilo.

Sa follow-up operation ni Maj. Mariano Biteng ng Customs Narcotics Interdiction Unit, nadiskubre ang isa pang trolley bag na may kaparehong itsura na iniwan ng isa pang pasaherong Malaysian na nakilalang si Richard Ho.

Nakatakas si Ho, na inabandona ang bag nang maramdamang hinahabol siya ng BoC.

Umaabot sa 14 kilo ang kabuuang nakumpiska ng BOC na tinatayang nagkakahalaga ng P80 milyon.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang tugisin ang nakatakas na dayuhan. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply