2 bus marshals, 2 pa pinahilera saka niratrat

LANAO DEL NORTE—Pinahilera saka pinagbabaril ng mga hinihinalang Muslim rebel  ang apat katao kabilang ang dalawang pu-lis na nagsisilbing bus escort o  marshalls mata-pos na harangin ng mga suspek ang kanilang sina-sakyan at saka sinunog kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Army’s 1st Infantry Division (ID) Chief Major Romeo Luthestica, ang nasawing bus marshalls ay kinilalalang sina PO3 Rosalito Obatay at PO3 Jovito Cabi-gas habang ang dalawa pang biktima ay ang driver na si Jaime Dulayhunsod at kon-duktor nitong  si Arkie Basta-sas.

Sa ulat na nakalap ni Luthestica, dakong  ala-1:20 ng madaling araw habang tinatahak ng  RTMI bus na may body number 1516 ang  kahabaan ng national highway sa may bisinidad ng Brgy. Balili, Kapatagan, Lanao del Norte nang harangin ng mga hinihinalang armadong rebelde ang passenger bus sa kanilang itinayong  checkpoint sa lugar.

Agad na sumampa ang mga suspek na pawang na-kasuot ng uniporme ng pulis at camouflage ng Philippine Army at  armado ng M14, M 16 rifles at cal. 45 pistol saka pinababa at pinapila ang mga pasahero.

Ang nasabing  bus ay may biyaheng Cagayan de Oro City na patungo sana ng  Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Nang makababa sa bus ay inunang pinagbabaril ang dalawang bus marshalls saka isinunod ang driver at konduktor ng bus saka sinin-dak ang mga pasahero sa pamamagitan ng pagpapaputok ng kanilang mga baril sa ere saka pinatakbo ang mga ito.

Hindi pa nakuntento ay sinunog pa ng mga suspek ang nasabing bus. Nagbanta rin umano ang mga bandido na masusundan ang insidente kung hindi mag-babayad sa kanilang grupo ng P25-P50M ang may-ari ng bus bilang kabayaran sa pagkamatay ng apat nilang tauhan na nabundol nito  sa La Libertad, Misamis Occidental, ilang buwan na ang nakalipas. Verlin Ruiz/Evelyn Garcia

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply