2 paslit patay sa Meningo

HINDI nakaligtas ang dalawang bata na tinamaan ng sakit na Meningococcemia na naging dahilan ng kanilang kamatayan sa Marikina City.

Sa pahayag ni Dr. Ricardo Lustre, director ng Amang Rodriguez Medical Center, ang unang namatay ay ang dalawang taong gulang na babae mula sa Brgy. Cupang, Antipolo,City noong nakaraang Sabado at ang sumunod naman ay isang batang lalaki, 1-anyos, ng Sitio Bayucan, Brgy. Sampaloc, Tanay Rizal.

Inatasan ni Ilustre ang in charge sa pedia ward nasi Dr. Jenny Dy na ihinto muna ng ospital na tumanggap na mga pasyenteng bata para maiwasan na makahawa ng nasabing sakit.

Ayon pa kay Lustre, maiiwasan lang ang sakit na ito kung isasailalim sa fumigation ang pedia ward, doctors, nurses, mga empleyado at mga kaanak ng mga namatay. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply