2,000 pulis pa, ipakakalat sa Metro Manila

DINAGDAGAN ng National Capital Region Police Office ng 2,000 pulis na magbabantay sa buong Metro Manila upang paigtingin ang seguridad upang maiwasan ang sinapit na bangungot noong nakaraang hostage drama sa Quirino Grandstand Luneta.

Ayon kay NCRPO Director Chief Leocadio Santiago, Jr., hindi na nila pahihintulutan na muling maulit ang madugong hostage drama kaya nagdagdag sila ng puwersa  sa buong Metro Manila.

Patuloy naman ang isinasagawang seminar sa ilang mga pulis upang isailalim sa counseling at pagsusuri sa mga kaisipan para mabago ang imahe ng buong sangay ng pambansang pulisya.

Kaugnay nito, pinatatahimik ng Department of Justice ang PNP at NBI hinggil sa patuloy na imbestigasyon ng naturang ahensiya sa madugong hostage drama na ikinamatay ng walong Hong Kong national, kabilang ang suspek na si MPD Sr. Insp. Rolando Mendoza.

Sinabi ni DOJ Secretary Laila de Lima, hindi na pwedeng magbigay ng pahayag ang PNP at NBI sa mamamahayag upang hindi na malito ang mamamayan kung saan sila na mismo ang magbibigay ng balita upang isang ahensiya na lamang ang magsasalita.

Samantala, nakatakdang humarap sa mataas na kapulungan ng Senado sina Manila Mayor Alfredo Lim, ang kapatid ni Mendoza na si SPO2 Gregorio Mendoza at ang matataas na opisyal ng PNP partikular na ang NCRPO,MPD, at si PNP Chief Jesus  Verzosa upang gisahin ng mga mambabatas hinggil sa naganap na hostage drama nitong Agosto 23. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply