3 holdaper at karnaper kalaboso

BUMAGSAK sa kamay ng pulisya ang tatlong kilabot na holdaper at karnaper makaraang holdapin ng mga ito ang isang restaurant at tangayin ang dalawang motorsiklo, sa Quezon City.

Ang tatlong suspek na naaresto ay kinilala ni QCPD director General Benjardi Mantele na sina Pacifico Gaborne, 55, binata, miyembro ng Batang City Jail; Alejandro delos Reyes, 35; at Reynaldo Guevarra.

Nabatid na humingi ng tulong ang mga biktimang sina Lily Cariaso, 45, may-asawa, negosyante; at mga staff na sina Hazel Cariaso; Floren Pascua, at Allan Mendoza na nakuhanan ng pera at kagamitan.

Sa  pagsisiyasat ni PO2 Fernando Balugay Jr., ganap na alas 10:15 ng gabi nang madakip ang mga suspek sa Brgy. E. Rodriguez Cubao.

Nauna rito, pinasok ng mga suspek ang restaurant ni Cariaso na matatagpuan sa New York st., at nagpanggap na kustomer bago nagdeklara ng holdap kung saan tinutukan ng baril ang cashier na si Hazel saka kinuha ang P3,000 kinita nito.

Kasunod nito ay  isa-isa nang pinagkukuha ng mga suspek ang mga gamit ng iba pang biktima.

Hindi pa nakuntento ang mga ito at tinangay din ang mga nakaparadang motorsiklo sa labas ng kainan na nagsilbi bilang  get away vehicle.

Kaagad namang naisuplong sa pulisya ang pangyayari kung saan nagsagawa ng agarang follow up operation at nadakip ang mga suspek at nabawi ang mga sasakyan. James de Jesus

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply