3 tauhan ni Mendoza lumantad

LUMANTAD kahapon sa isang opisina sa Ermita, Manila  ang tatlo sa apat na naging  tauhan ng hostage taker na si Mendoza upang  magbigay ng salaysay sa pagkakadawit umano nila sa g madugong tagpo sa Quirino Grandstand.

Sina Insp. Nelson Lagasca, PO3 Wilson Gavino at PO2 Roderick Lopena, kasama si Atty.Gilbert Zulueta ay nagpahayag ng pagkabahala sa dahilang hinahanap umano sila ng pulisya  para  idawit sa naganap na hostage drama noong Lunes.

Sinabi  ng tatlo na  masyado na  silang nasusukol sa pagkamatay ni Sr.Insp. Rolando Mendoza, dahil sila umano ang naging dahilan ng pagkakasuspinde nito sa serbisyo.

Bukod dito, naniniwala sila na ang sangay ng Ombudsman ang dapat sisihin sa mga pangyayari, kaya nagawa ang panghohostage.

Nagpahayag pa si Atty. Zulueta, na bago nangyari ang hostage drama, tinawagan pa siya ni Sr.Insp. Mendoza, na humihingi umano ng P240,000  para  umano maresolba ang kasong robbery extortion na isinampa  ng isang chef na kanilang hinuli.

Hindi naman umano pumayag si Atty. Zulueta dahil walang basehan ang sinasabi ng opisyal , kaya marahil nawala na ang halaga  para pa maipagtanggol nito ang sarili.

Kuwento pa ng tatlo, mula nang masangkot sila sa  kasong  extortion, nagawang mailipat sila sa Mindanao ng halos tatlong buwan  kaya hirap na hirap sila sa naging pamasahe sa  eroplano.

Napag-alaman sa tatlo na kasama silang nanalo sa kaso, pero pilit na ginigiba ito ng Ombudsman  matapos sibakin sa pagkapulis.

Huling kataga pa ng tatlo  habang nagsasalaysay sa naging buhay nila kasama si Sr.Insp. Mendoza, tumutulo pa ang luha ni PO2 Lopena nang sabihin nitong SPO3 pa lamang si Mendoza ay nakasama na niya at ito ay tunay na tao dahil sa kabaitan.

Napag-alaman na balak na lamang umano na  tumakbong barangay chairman sa Tanauan Batangas ni Mendoza, pero hindi naman ito makakuha ng clearance dahil sa umano’y iniipit ito ng Ombudsman. Rene Crisostomo

GMA tumulong sa panunuyo sa HK

Tumulong na kahapon si dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Arroyo na pahupain ang tensyon sa pagitan ng Chinese at gobyernong Pilipinas kasunod ng madugong hostage crisis noong Lunes.

Sumulat si Arroyo kay Hong Kong Chief Executive Donald Tsang at People’s Republic of China Prime Minister Wen Jiabao upang ipaabot ang pakikiramay at tiniyak na maibibigay ang hustisya.

Sa sulat kay Tsang, nanawagan si Arroyo ng parusa sa mga responsable sa kapalpakan ng negosasyon.

Naniniwala si Arroyo na ganitong paraan lamang mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga biktima at maibsan ang pagdadalamhati ng kanilang pamilya.

Nangako si Arroyo kay Wen na tututukan niya ang imbestigasyon sa brutal na sinapit ng mga hostage victims.

Gayunman, umaasa si Arroyo na hindi na lalala ang tensyon at hindi masisira ang magandang pagkakaibigan ng Pilipinas at Hong Kong.

Sinabi naman ni Elena Bautista-Horn, spokesperson ng dating Pangulo, na nalulungkot ang dating lider ng bansa sa insidente ng nangyari rin sa loob ng siyam na taon nitong administrasyon pero nailigtas ang mga hostage. Beth Aragon

Patawarin n’yo kapatid ko –Sgt. Mendoza

Nais lamang ng mga negosyador sa nangyaring hostage-taking incident na maghugas kamay sa kanilang kapalpakan kaya pati  mga inosente ay kanilang dinadamay, ito ang pahayag kahapon ni SPO2 Gregorio Mendoza, kapatid ng napaslang na hostage-taker na si dating Sr/Insp. Rolando Mendoza.

Unang sinampahan ng kasong conspiracy to commit serious illegal detention si Gregorio Mendoza, ngunit ibinaba ni Elaine Yarra-Cerezo,  hepe ng inquest division, ang asunto nito sa serious disobedience kung saan pinayagan siyang makapaglagak ng P2,000 na piyansa.

Itinuro rin ni Mendoza si Manila City Mayor Alfredo Lim na umano’y siyang nag-utos para siya ay arestuhin kahit  may nangyayaring negosasyon sa kaniyang kapatid.

Bago umano siya inaresto, tinakot siya ni Col. Orlando Yebra, ang chief negotiator, na idadamay sa kaso.

Humingi rin ng tawad si Mendoza sa mga biktima ng ginawang pangho-hostage ng kaniyang kapatid.

Alam umano niyang masakit ito dahil namatay rin ang kapatid niya.  “May ipinaglalaban ang  kapatid ko,  sana ay maintindihan ito ng lahat,” ang umiiyak na pahayag ni Mendoza.  Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply