31 katao biktima ng extra judicial killing ng NPA

UMAABOT sa 31 katao ang naging  biktima ng extra judicial killing o walang kabuluhang mga pagpaslang ng mga rebeldeng New People’s  Army  rebels partikular na sa mga inosenteng sibilyan sa Bicol Region sa taong ito.

Ito ang inihayag  kahapon ni Army’s 9th Infantry Division  spokesman Major Harold Cabunoc.

Ayon kay Cabunoc, base sa kanilang tala simula Enero hanggang sa kasalukuyan sa pagpasok ng third quarter  ng taon ay nasa 31 katao ang naitalang pinaslang ng communist rebels.

Sa pahayag ni Cabunoc,  nangunguna dito ang mga sibilyan sa naitalang 18 biktima, CAFGU 8, Philippine Army 4 at isang kagawad ng PNP .

Pinakahuli sa mga biktima ay ang 60 anyos na informer na si Joaquin Candea ng Brgy. Cogon, Sorsogon na pinagbabaril sa Brgy. Sabang sa bayan ng Bulusan ng lalawigan dakong alas-2:15 ng hapon kamakalawa.

Ang pagpatay kay Candea ay isang araw matapos ang madugong ambush noong Sabado na ikinasawi ng lima katao kabilang ang isang incumbent Councilor sa lalawigan ng Masbate.

Noong Agosto 26 ay brutal na pinatay rin ng hinihinalang NPA rebels si Virgilio Sus, 51 anyos matapos na puwersahang pasukin ang tahanan nito sa Brgy. Danao sa bayan ng Bulan, Sorsogon.

Kaugnay nito, inaasahan naman ni 9th ID Commander Major Gen. Ruperto Pabustan ang lahat ng mga sundalo na maging vigilante laban sa posible pang NPA attack. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply