8 estero bubungkalin ng MMDA

PANGUNGUNAHAN ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang pagbubungkal at pagpapalalim ng walong estero sa  Metro Manila bilang paghahanda sa mga darating na bagyo sa panahon ng tag-ulan

Ayon kay Candy De Jesus, hepe ng public information office ng MMDA, uunahin ng MMDA ang dredging ng Tripa de Gallina na pinakamalaking estero na sumasakop sa lungsod ng Pasay at Makati.

Kaagad na pinakilos ni Tolentino ang ahensiya matapos personal na ma-inspeksiyon ni Pangulong Aquino ang mga estero at iba pang daluyan ng tubig na pinamahayan ng mga informal settlers at ginagawang tambakan ng mga basura.

Aminado si Tolentino na hindi kaya ng ahensiya na mapangalagaan ang lahat ng estero sa kaya nananawagan siya sa taumbayan na makipagtulungan kahit man lamang sa pag-iwas na magtapon ng basura sa mga daluyan ng tubig.

Idinugtong pa niya na bagama’t gumagana naman ang kanilang mga pumping stations, 70-porsiyento lamang ang kapasidad na makapagsagawa ng operasyon, dahil na rin sa dami ng mga nakukuhang basura na itinatambak sa mga estero at iba pang daluyan ng tubig. Johnny F. Arasga

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply