8 kostumer sa Internet shop hinostage ng fish vendor

HALOS maihi sa takot ang walong kostumer sa pa-ngambang magaya sila sa mga Hong Kong national na biktima ng Luneta hostage drama matapos i-hostage ng armadong fish dealer sa computer shop sa Pilar, Capiz kamaka-lawa.

Nabatid mula sa  Police Regional Office (PRO) 6, na-ganap ang local hostage dra-ma sa Tacuan Grill and Café na pag-aari ni Mayor Ma. Ritalyn Patricio ng bayang ito bandang alas-5:10 ng hapon.

Sa inisyal na ulat, naki-pag-inuman ang suspek na si Alfredo Aperocho sa lima nitong kapitbahay at nang malango ay nilapitan nito si SPO4 Morito Vega, Officer in Charge ng nasabing himpilan at sinita.

Nagtanong umano ang suspek sa opisyal hinggil sa pagkamatay ng pinsan nito saka bigla na lang bumunot ng baril at pinaputukan ang pulis na muntik ng tamaan ng bala.

Hinabol ng mga pulis ang suspek pero nagtago ito sa computer shop at hinostage ang walong kostumer dito.

Agad na rumesponde ang kapatid ni Aperocho na si PO3 Edden Diorda ng Pilar Municipal Police Station (MPS) sa lugar at matapos ang may 20 minutong negosasyon ay napahinuhod nito na sumuko ang nakatatandang kapatid. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply