8 patay dahil sa dengue sa Quezon City

UMABOT na sa walo ang bilang ng mga nasawi dahil sa sakit na dengue, na nakaapekto na sa may 950 katao mula Enero 2010 hanggang Agosto 7, 2010 sa Quezon City.

Umabot sa 366 kaso ng dengue sa Barangay Gulod sa Novaliches District 2 pa lamang. Ito ang lugar na may pinakamaraming kaso ng naturang sakit.

Bunsod nito, hinimok ng Quezon City Health Department na palakasin pa ang  kampanya at impormasyon sa mga taga-lungsod para maiwasan ang paglaganap ng nakamamatay na sakit.

Pinaalalahanan din ng departamento na huwag hayaang kumalat ang sakit sa lugar sa pamamagitan nang pag-aalis sa mga bagay na maaaring pamugaran ng lamok sa araw.

Kaugnay nito, hinimok ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang mga barangay official na patuloy na makipag-ugnayan sa pamahalaang panglungsod upang magkatulong na wakasan ang pagkalat ng sakit sa  iba’t ibang lugar sa lunsod. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply