After Gretchen: Claudine at Angelica Panganiban naman ang nagbabangayan

UMAANGHANG NA ang palitan ng mga teksto nina Claudine Barretto at Angelica Panganiban sa kani- kanilang twitter account.

Nagsimula raw ang pasaringan ng dalawa ng mag-komento si Claudine sa kanyang twitter na isa raw ampon itong si Angelica, na ikinabahala naman ng gf ni Derek Ramsey kaya gumanti din ng salita si Angelica na hindi makain ng aso patungkol naman kay Claudine.

Ayon sa kampo ni Angelica na kapag hindi pa nga raw tumigil si Claudine sa kanyang patutsada ay baka gumawa na raw ito ng hakbang.

Pikang-pika at hindi na nga raw matanggap ni Angelica ang mga mensahe na ipinapadala ni Claudine sa kanyang Twitter account.

Nakisawsaw lang daw kasi itong si Claudine sa awayan nila ng sister nitong si Gretchen Barretto dahil sa selos pero nagkaayos na rin sila.

Takang-taka nga ang kampo ni Angelica dito kay Claudine at di malaman kung anong ipinagpuputok ng butsi nito para mag-komento ng kung anu-ano kay Angelica.

Imbiyerna na nga si Angelica at nagsabi na tantanan at tigilan na nga raw sana siya. Kung naiinggit man daw itong si Claudine sa beauty ni Angelica, mamatay siya sa inggit!

Bisi pa lang daw itong si Angelica sa pag-aalaga sa dyowa na si Derek na nagka-dengue at mismong si Angelica ang nag-aasikaso sa kanya.

Pagtapos nga raw nito ay reresbakan niya ng salita din thru Twitter itong si Claudine.

May ganun? Well, well, well… Jovi Llosa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply