Angelica ‘di pinilit ni Derek na makipagbati kay Greta

SA PAGBABATI nila Angelica Panganiban at Gretchen Barretto, isa sa natuwa sa pangyayaring ito ay si Derek Ramsay.

Sa paghingi ng tawad ni Angelica kay Gretchen dalawang Linggo na ang nakakalipas sa “The Buzz,” agad namang nagbigay pahayag ang aktres na bukas siya sa pakikipagkaibigan kay Angel at hinahangaan niya ang tapang nito na humingi ng tawad kapag alam nitong nakasakit ng damdamin ng ibang tao.

Sa sinabi ni Angelika na isa si Derek sa nagsabi sa kanya na mabuting tao si Gretchen, agad namang pinabulaanan sa amin ng aktor na siya ang nagkumbinsi sa girlfriend para gawin nito ang pagpapa-interview sa “The Buzz.”

Ayon kay Derek kahit siya ay nagulat sa ginawa ni Angelika at di niya rin inasahan ang ginawa nitong paghingi ng tawad sa co-star.
Para sa aktor ay nagkaroon lang ng simpleng di pagkakaintindihan ang dalawa na lumaki na lang dahil na rin sa mga intriga pero naniniwala siya na kung magkakaroon lang ng pagkakataon ay tiyak na magiging magkaibigan ang dalawa lalo’t may hawig ang pag-uugali ng mga ito na parehong prangka at masayahing mga tao.

Kagagaling lang sa halos isang linggong pagkaka-ospital dahil sa dengue, balik-trabaho uli si Derek kung saan abala siya sa taping ng “Magkaribal” at shooting ng indie film na pagtatambalan nila ni Erich Gonzales, ang “Corazon.” Melba Llanera

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply