Anne Curtis, kaibigan na lang ang tingin kay Richard Gutierrez

MASAMA man ang pakiramdam, dumalo pa rin si Anne Curtis sa thanksgiving party para sa pelikulang “In Your Eyes” na pinipilahan pa rin hanggang ngayon sa 100 theaters nationwide.

Siguro na-over-fatigue. Todo promo pa rin si Anne kahit showing na kasalukuyan ang “In Your Eyes” abala naman siya Anne sa kanyang “Showtime” at ginagawang soap, ang “Green Rose” kasama sina Jericho Rosales at Jake Cuenca at iba pang commitments.

May follow-up movie sina Anne at Richard Gutierrez, next year pa raw ito. Hindi kaya pang-Valentine offering?

Ano kaya ang status ng relasyon nila ni Richard sa kasalukuyan?

Ani Anne, okey as friends sila ni Richard.

Yes, certified blockbuster ang “In Your Eyes.”

Kasama rin nina Richard at Anne si Claudine Barretto at iba pa sa direksyon ni Mac Alejandre.

Sa first week of showing nito sa theaters nationwide ay humamig ng P70 million! At first showing ay humakot sa takilya ng P12 milyon!

INTERNATIONAL MAKE-UP ARTIST  NI  JACKY WOO POSIBLENG MA-IN LOVE SA PINOY

Malakas ang ulan nang datnan namin ang last day shooting ng indie film, “Liberacion” sa Daranak Falls, Tanay, Rizal na pinagbibidahan ng Japanese actor na si Jacky Woo. Dinirek ito ni Adolf Alix, Jr. at intended for international competition  sa iba’t ibang award giving bodies abroad.

Thru  our good friend, Joe Barrameda (‘Joebar’, sa malalapit na kaibigan) nakarating kami sa naturang lugar para makapanayam ang international make-up artist ni Jacky Woo na si Shizuko Ebihara, na ilang beses na rin nakapunta ng ating bansa.

Sa pamamagitan ng interpreter na si Jimmy Oe, sinabi ni  Ebihara na binigyan siya ng magandang pagkakataon ni Jacky Woo para makasama sa production.

Matagal na silang magkaibigan ni Jacky, at siya rin ang make-up artist nito sa indie film na “Walang Hanggang Paalam”. Kasama rito si Lovi Poe.

Sinabi rin ni Ebihara na isa si Lovi sa local actress natin na siya ang nag-make-up. Mahirap din daw ang maging make-up artist. Lalo na sa hugis ng mukha ng isang tao. Mas madali daw ayusan ang Pinoy dahil sa structure ng face.

Si Ebihara ay make-up artist din ng ilang sikat na artista sa China, Hong Kong, Korea at ilan pang Asian countries.

Mayrooon siyang  salon sa Japan, ang Feminine Annex na matatagpuan sa Shibaya, Tokyo, Japan. May 30 staff sa tatlong sangay nito sa naturang bansa.

Sa kasalukuyan walang boyfriend si Ebihara. May nanligaw na bang Pinoy sa dalaga? Aniya, wala. Pero posibleng ma-in love siya sa isang Pinoy.

Samantala, ani Jacky Woo, may freedom sa paggawa ng indie movie. Nais niyang isali ito sa mga international filmfest.  Ang “Liberacion” ay ihahabol para sa Tokyo Film Festival this coming October.

Yes, bukod sa passion ni Jacky Woo ang pag-arte sa movie and TV at paggawa ng Pinoy movies, mayroon din charity works ang Japanese actor (na may pusong Pinoy) para sa Filipino children kung saan ilang taon na siyang nagbibigay ng tulong. Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply