Badyet ng PASG, PAGC binokya ng M’cañang

TULUYAN nang pinilay ng Malakanyang ang operasyon ng  Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) at Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) .

Sinabi ni Presidential Communications, Development and Strategic Planning Sec. Ricky Carandang  na bagama’t kasama ang PASG sa 2011 national budget ay zero budget naman ito.

Hindi naman malinaw kung sa Office of the President (OP)  mapupunta ang P50 million na pondo ng PASG na nakukuha nito kada taon.

Nauna nang sinabi ni Sec. Carandang na wala ni isa mang  ahensiya o task force  ang binuwag ng Punong Ehekutibo kaya’t malinaw na tuloy ang serbisyo ng PASG at Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) ng isa pang taon subalit  parehong may zero budget.

Hindi naman klaro kung maging ang National Food Authority (NFA) at  LRTA ay gayundin ang magiging kapalaran katulad ng sa PASG at PAGC.

Matatandaang nakiusap ang PASG sa Justice Department na i-validate mabuti ang reports kaugnay ng operasyon ng kanilang tanggapan bago  magpahayag sa media at ilahad sa publiko na kailangan nang lusawin ang nasabing ahensiya.

Sinabi ni PASG Administration and Finance Director Jeffrey Patawaran na handa naman nilang iwan ang kanilang opisina subalit katanggap-tanggap umano na himayin munang mabuti ni Justice Sec. Leila de Lima ang nakuha nitong report laban sa PASG.

Noon pang Disyembre 2009 ay pinagkatiwala na ni Secretary Antonio “Bebot” A. Villar Jr. kay Asec. Danilo Mangila ang PASG  dahil nais nitong ituon ang kanyang pansin sa kanyang bagong trabaho bilang chairman ng Dangerous Drugs Board.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply