‘Bagong buhay, bagong pag-asa’

WALA nang sasaya pa sa isang magulang kundi ang makitang normal at maayos na lumalaki ang mga anak gaya ng ibang mga bata at ligtas sa panunukso at panlalait ng kapwa.

Umaapaw ang kaligayahan at walang katapusang pasasalamat ang nararamdaman ngayon ng mag-asawang Molit ng Cebu City dahil sa panibagong buhay ng kanilang mga sanggol na ipinanganak na kambal at magkadikit ang katawan (conjoined twin) noong Oktubre 2009.

Sa tulong at pagmamahal ni Master Cheng Yen, founder ng Tzu Chi Foundation na nagmula sa Taiwan, matagumpay na napaghiwalay ang katawan nina baby Rose Carmel at Rose Carmelette Molit  sa tulong ng 20-miyembro ng medical team ng foundation sa Hualien Tzu Chi General Hospital sa Taiwan nitong Hunyo 5, 2010.

Ayon sa Tzu Chi Foundation Philippines (TCFP),  magkadikit ang conjoined twin sa bahagi ng baywang at nagsasalo sa iisang puwet (rectum) at tagumpay na lumabas sa operating room ng magkahiwalay makalipas ang 7-oras na operasyon.

Ayon sa ina ng kambal, muli silang bumalik mag-asawa kay Master para personal na magpasalamat sa bagong buhay ng kanilang mga anak bago sila tuluyang lumipad pabalik ng bansa kahapon mula sa Taiwan gayundin sa volunteers nito na umalalay sa kanila mula sa Cebu hanggang Taiwan.

“Thanks to you Master Cheng Yen, I believe that soon my two girls will be able to lead an independent life of their own,” madamdaming pahayag ni Emile Molit, junior high school teacher sa Cebu, ina ng kambal.

“Let give these twins our sincere prayers.  They have now been saved from having to live their lives conjoined and now, we earnestly give them our best wishes.  We hope they will go on to lead good meaningful lives and live out the value of life by in turn helping others in need,” ayon ipinahatid na mensahe ni Master Cheng Yen.

Dahil naniniwala si Master sa ‘relay race of love’, ang Molit twins ay pangalawa na sa conjoined twin na matagumpay na napaghiwalay.

Sina baby Rachel at Lea Awel, 8,  mula sa Kalinga, Apayao, sa tulong ng Tzu Chi Foundation ay normal at masaya nang nasmumuhay  bilang mga indibiduwal mula ng maoperahan noong Hunyo 28, 2003.

Nasa 60 miyembro ng medical team sa parehong ospital at Tzu Chi International Medical Association Philippine Chapter.

Ang Tzu Chi Foundation ay nagsimula sa Taiwan sa pangunguna ni Master Cheng.  “WE do not do two things here.  We don’t convert people to our religion.  We’re not involve in politics.  We only do one thing—to spread the seeds of love.  Love and care for all,” paliwanag ni Alfredo Li, Chief executive officer (CEO), TCFP.

Siamese twins

Ang conjoined twins ay kilala din sa tawag na ‘Siamese twins’.  Ito ay kambal na magkadikit na isinilang sa ulo, katawan, hita at pwet.  Ayon sa pag-aaral, bihira ang ganitong pangyayari isa sa bawat 50,000 o isa sa bawat 100,000 ipinanganganak.  Ang higher incidence nito ay sa
Southwest Asia at Africa. Nasa 25 porsyento lamang ang kabuuang survival rate ng conjoined twins.  “The condition is more frequently found among females, with a ratio of 3:1”, ayon sa pag-aaral.

“Two contradicting theories exist to explain the origins of conjoined twins. The older and most generally accepted theory is fission, in which the fertilized egg splits partially. The second theory is fusion, in which a fertilized egg completely separates, but stem cells
(which search for similar cells) find like-stem cells on the other twin and fuse the twins together.”

“Conjoined twins share a single common chorion, placenta, and amniotic sac, although these characteristics are not exclusive to conjoined twins as there are some monozygotic but non-conjoined twins that also share these structures in utero.”

Sinasabing mapanganib ang separation-surgery depende sa ‘point of attachment’ at ang ‘internal parts’ na pinagsasaluhan.  Marami nang kaso na ang resulta ng operasyon ay pagkamatay ng dalawa o isa sa kambal lalo na kung sa ulo silang magkadikit. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply