Bagyong Glenda palapit na

MALIBAN sa low pressure area na namataan sa layong 420 kilometro sa hilagang silangan ng Basco, Batanes, patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang isang papalapit na bagyo na tatawaging “Glenda.”
Batay sa latest weather bulletin ng ahensiya, namataan ang weather disturbance sa layong 1,300 silangan ng Batanes at taglay ang lakas ng hangin s na 55 kilometer per hour (kph) malapit sa gitna.
Tinatahak nito ang direksyon patungong kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 28 kph at patungong Southern Japan.
Inaasahan na ngayong hapon ay papasok ito sa Philippine Area of Responsibility.
Gayunman, tiniyak ng ahensiya na wala itong direktang epekto sa pangkalahatang lagay ng panahon ng bansa.
Una nang naiulat na nakalabas na ng PAR ang bagyong si Florita habang ang umiiral na maulap hanggang maulang panahon sa malaking bahagi ng bansa ay epekto ng LPA at intertropical convergence zone sa rehiyon ng Mindanao. Alex Ching

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply