Bangkay ng bagets lumutang sa Dam

MAHIGIT 24-oras ang lumipas bago maiahon ang bangkay ng 12-anyos na estudyante makaraang malunod sa La Mesa dam, sa Quezon City kamakalawa ng hapon.

Ang bangkay ay kinilalang kay Virgilio Elidcano, ng 09 Upper Molave, Payatas Quezon City, iniahon ng mga rescuer ng Philippine coastguard dakong 11:00 ng umaga kamakalawa makaraang malunod sa lawa ng dam sa Golden Summer Gate, La Mesa dam, Payatas.

Sa ulat, nagkayayaang maligo sa Golden Gate Summer Gate sa La Mesa Dam ang magkakaibigan kabilang ang biktima bandang 3 ng hapon.

Ayon sa kasamahan ng biktima na naliligo rin sa nasabing lugar, nakita na lamang nila na nagpapapasag na si Elidcano sa malalim na bahagi ng lawa bago tuluyang nawala.

Dahil dito , ipinaalam ng mga  kaibigan ng biktima ang nangyari  sa mga magulang nito  na agad namang humingi  ng saklolo sa rescuers ng Phil Coast Guard at maritime na  naka-duty sa La Mesa Dam subalit patay na nang matagpuan  ang biktima.

Napag-alaman na ipinagbabawal ng pamunuan ng La Mesa Dam ang maligo sa dam subalit may ilan pa ring kabataan na nakalulusot. James de Jesus

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply