Desisyon ng Palasyo sa barangay polls kokontrahin ng Senado

TINIYAK  ng isang senador na “sasalungatin” ng Senado ang desisyon ng Palasyo na ituloy ang barangay election at paglusaw sa Sangguniang Kabataan kapag ginamit  ng chief executive ang kapangyarihan nito na i-veto ang anumang panukalang batas.
Sa panayam matapos dinggin ang panig ng iba’t ibang opisyal at lider ng pamahalaang lokal sa isinasagawang pagdinig, sinabi ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na dapat makita muna ng mga adviser ni Pangulong Aquino  ang katuwiran bago gamitin ang veto power.
Ayon kay Marcos, kailangan ipagpaliban ang barangay election at balasahin ang istruktura ng Sangguniang Kabataan (SK) sa konsiderasyong pananalapi o pondong gagamitin at kagustuhan o pangkalahatang pag-sang-ayon ng maraming opisyal ng pamahalaang lokal.
“ I think the arguments are also focus for postponement. The only argument to continue in Oct. 25 is because it is mandated by law. But is something that there is precedent for. We have postponed the barangay elections several times since 1986.  So that is the precedent exists. So we know that we can do it, we know that is  possible. Is it something that we should do,” ayon kay Marcos.
Inihayag pa ni Marcos na kailangan magkaroon ng pagbabago sa istruktura ng SK upang maging mas epektibo at nakatutugon ang sistema ng representasyon ng kabataan sa barangay sa kasalukuyang pangyayari.
Aniya, kung dating 15-hanggang 18 ang edad ng miyembro ng SK, malamang gawin itong 18 hanggang 21 upang magkaroon ng epektibong representasyon ang kabataan sa barangay.
Sinang-ayunan naman ni Sen. Gregorio Honasan ang pananaw ni Marcos kaya’t nararapat nang magdesisyon ang Senado bago sumapit ang Setyembre sanhi ng probisyon sa pag-veto ni Pangulong Aquino sa anumang panukalang batas.
Kaugnay nito,  inako ni Iloilo Rep. Augusto Syjuco ang pagkakamali sa magkasukob na taon ng presidential election at ng barangay at sangguniang kabataan election ngayong 2010.
Sa press conference ng Minority kahapon, binigyang diin ni Syjuco na siya ang chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms nang maipasa ang panukalang batas na gawing Oktubre 2010 kasukob ng nagdaang presidential election noong Mayo ang halalang pam-brgy. at SK.
” Mea Culpa. I passed that law. I am responsible for it. Ako ang author noon at ako ang nagpapasa sa diskusyon sa floor at naging batas. I can see that it was a mistake,” ayon kay Syjuco.  Ernie Reyes/ Meliza Maluntag

Barangay polls kinontra  ng  Senado

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply