Sa pagtanggi kay Enchong Dee: Bea Alonzo, sinungaling!

ANO kaya ang  katotohanan sa  email nisarahotico@yahoo.com na wini-withdraw na ang suporta ng Bea-liscious kay Bea Alonzo.  Binuwag na raw nila ang grupo dahil sa pagsisinungaling daw sa kanila ni Bea dahil na-discover nila na may relasyon daw talaga sina Bea at Enchong Dee na magkasama sa  seryeng ‘Magkaribal’ at pelikulang ‘Sa ‘Yo Lamang.’

Pero  parang niluluto lang naman ang Bea at Enchong. True kaya ang sinasabi ng mga fans na nagkikita sila ng palihim.

“Mismong mga kasamahan namin sa grupo ang nakakita sa dalawa habang nagdedate.Sobrang sweet pa ng dalawa.”

May dagdag namang email si cmico76@yahoo.com
“I really want to know  the truth,Is Enchong Dee snd Bea Alonzo are exclusively dating?Madalas ko po makita ang dalawa na magkasama at super sweet sa isa’t-isa.Wala silang pakialam sa mga taong nakakakita sa kanila parang may sariling mundo ang dalawa.When I saw them in restaurant nagpupunasan pa sila ng bibig.Akala siguro nila ay hindi namin sila makikilala,kahit pa nag-disguise ang dalawa.”

Hay naku,  duda pa rin kami sa Bea at Enchong na ‘yan. Baka naman nililigaw lang ang panliligaw  ni Gerald Anderson kay Bea,huh!

CHEAP NA ISNABAN NINA WILMA DOESN’T AT TUESDAY VARGAS DAHIL SA MAKE UP ARTIST

Dahil lang sa make-up artist, nag-iisnaban ngayon sina Wilma Doesn’t at Tuesday Vargas. Mas pinili raw ng make-up artist si Tuesday dahil  hindi nagbabayad si Wilma.

“Hindi ko alam kung sulot yun,” sey ni Wilma sa ‘Paparazzi’ ng TV5. “Kasi no’ng pinag-uusapan namin yun, kaming dalawa ni Tuesday mismo, kaming harapang dalawa…pinag-uusapan namin about the makeup artist, hindi ko naisip yung sulot-sulot. So, sabi no’ng makeup artist ko, ‘Ate, Tuesday na lang ako.’ So, ako, parang, ‘Ha? Ano ba yun?’ A, basta, every Sunday masaya lang ako.”

Ano ang reaksiyon niya sa sinabi ni Tuesday kay Ruffa Gutierrez na hindi ito nagbabayad ng maka-up artist.

“Ay, may gano’n! Teka lang, medyo nahilo ako doon. No, hindi  totoo yun. Yung makeup artist na yun, makeup artist yun ng Sweet Life. Yung production ang nagbabayad sa kanya. Binibigyan ko lang siya ng tip, pamasahe. Siyempre si bakla, napagod, ‘Pamasahe mo, teh.’ Sorry, I’m broke but I’m happy, a!” paliwanag niya.

Basta ngayon may cold war ang dalawa pero  hindi sineseryoso ni  Wilma.

‘Yun na!
-0o0-
Matindi ang chemistry  ng team-up, kulitan at biruan nina Billy Crawford at Luis Manzano sa  game show na ‘Panahon Ko ‘To’ na napapanood tuwing  4:45 p.m. Lunes hanggang Biyernes sa  ABS-CBN 2. Mas lalo silang nag-click sa isang show after ng ‘Pilipinas Got Talent.’

“Sabi ko nga bihira ka makahanap ng partner mo sa hosting na pareho kayong lalaki. Usually kasi makikita mo either solo or babae’t lalaki. Siyempre ‘pag parehong lalaki nand’yan yung ideas ni’yo magka-clash. So bihira yung ultimo kulitan niyo, saluhan niyo, nandun. So we’re very happy na ganon nangyari sa amin ni Billy boy. The fact that we’re having fun at work,na-translate yun sa TV kaya nae-enjoy ng viewers namin,” bulalas ni Luis.

Hindi lang game show ang   ‘Panahon  Ko ‘To’  kunsi may natutunan ang mga televiewers at nadidiskubre sa mga nakaraang pangyayari.

“Panahon Ko ‘To kasi it’s all about reminiscing about the good times at saka historical din in a way. You also learn new things about music, movies, games sa Facebook…everything and anything na pinagdadaanan ni’yo,” sambit naman ni Billy.

Tamaaaa kaya major major like ko na ang show na ito.

-0o0-

Kung tuwing  hapon ang ‘Panahon Ko ‘To’ lumipat naman sa umaga ang  number one gag show na ‘Banana Split Daily Servings’ mula 10 to 10:30 a.m. At pag Primetime Sabado naman ay  10:30 p.m. after ng M3.

Magkaroon kaya ng spoof sa awayang Angelica  at Claudine sa Sabado? Lalo’t may reaksyon na si Mr  M sa  gulong ito.  “Go Ahead. Sue, Claudine. Make our Day! Para Bellum.” Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply