Benilde shoots for NCAA diadem

MASAKLAP ang pagkatalo ng St. Benilde sa kampeonato noong  nakaraang taon matapos itong matalo sa tie-break decision kontra Letran, kaya naman gigil na gigil ang una na makabawi sa defending champion.

Noong martes ng hapon nilampaso ng Blazers ang Knights, 2.5-1.5 upang manatiling nag-iisa sa unahan ng team standings sa nagaganap na 86th NCAA chess tournament sa SM City Manila.

Lumikom ng 34.5 puntos ang last year’s runner up, maliwanag na 2.5 points na kalamangan sa segundo puwestong San Sebastian.

Sa first round giniba ng St. Benilde ang mahigpit na karibal Letran, 2.5-1.5 kaya naman sinusiguro ni Blazer coach NM Fernie Donguinez na hindi na sila mamatalo sa tie-break kontra sa mga bata ni former national Junior contender at Letran coach NM Roland Perez.

“Lamang na kami sa kanila (Letran) kapag nagkaroon ulit ng tie-break.” pabirong saad ni Donguinez. “Pero malayo pa ito kauumpisa pa lang ng second round marami pang mangyayari sa last six rounds pero siyempre we’re happy kasi nasa taas kami ngayon sana magtuloy-tuloy.”

Binokya ng Stags ang Arellano U upang ilista ang 32 puntos at manatiling buhay sa kanilang kampanyang maging kampeon muli sa nasabing prestihiyosong collegiate chess event.

Nasa solo third place ang defending champion Letran na may 27 puntos at malayong fourth place ang Mapua na may 20.5 pts.

Tinalo ng Cardinals ang Jose Rizal U, 3-1, habang Pinisak ng Perpetual Help ang Emilio Aguinaldo, 2.5-1.5.

Samantala, magkasalo pa rin sa unahan ang baby Blazers at Staglets matapos makipaghatian ng puntos sa Squires at baby Chiefs, (2-2), ayon sa pagkakasunod.

Nakapagtala ng tig 29 puntos ang La Salle Greenhills at SSC, nasalikuran nila ang Arellano U na may 27.5 points. Elech Dawa

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply