Bus drivers ida-drug test

MATAPOS ang muling trahedya sa Quezon province ng isang pampasaherong bus na ikinamatay ng lima katao at 52 pasaherong sugatan, isasailalim na sa drug test ang mga driver ng mga pampasaherong bus para maiwasan ang mga aksidente sa kalsada.

Ayon kay Southern Luzon Bus Operators Association  President Homer Mercado, isa-isang susurpresahin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang halos tatlong libong bus driver sa Southern Luzon para sa isasagawang drug test.

Saad ni Mercado, ang drug test ang naging resulta ng kanilang pakikipagpulong noong Biyernes sa PDEA bilang bahagi ng kanilang kampanya upang maiwasan na ang mga aksidente sa lansangan na kumitil na ng maraming buhay.

Isa umano sa mga dahilan ng mga aksidente sa kalsada ang paggamit ng bawal na droga ng ilang mga driver kapag bumibiyahe para hindi antukin.

Napag-alaman na  sa mismong paligid  ng Land Transportation Office at LTFRB ay maraming drug test center kung saan nagpapasuri ang mga tsuper na kumukuha ng lisensiya.

Ayon naman sa mga may resulta ng drug test sa PDEA, hindi sila kini-credit ng nasabing pribadong drug test center at pinalalabas na peke ang drug test ng ahensiya.

Anila, balak sanang tanggalin ni Sen. Vicente Sotto III ang nasabing mga drug testing center sa naturang lugar noong siya ang kalihim ng Dangerous  Drug Board subalit nag- resign siya bago ang 2010 election. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply