Chinese national timbog sa shabu

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang 36-anyos na Chinese national matapos mahulihan ng shabu sa Binondo, Maynila kahapon ng umaga.

Nakapiit na sa MPD-District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ang suspek na si Li Xiaozu, tubong Fujin, China at nanunuluyan sa 1843 C. M. Recto Ave., Sta Cruz, Manila.

Sa report, dakong 11:30 ng umaga nang maaresto ang suspek sa Dasmarinas St., Binondo.

Nabatid na nagsagawa ng surveillance operations ang mga tauhan ng pulisya gamit ang isang marked vehicle (SFX 669) sa nasabing lugar matapos makatanggap ng impormasyon na may ilegal na aktibidad ang magaganap sa lugar.

Nang maaktuhan ang suspek  na tinatanggap sa isang kahina-hinalang lalaki ang isang plastic  na itinago sa baraha ay nilapitan na siya ng mga pulis.

Tangka pang tumakas ng suspek subalit mabilis siyang nadamba ng awtoridad.

Nakuha kay Xiaozu ang ilang sachet ng shabu. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply