Comelec execs sinopla sa ballot secrecy folder scam

INIUTOS ng Court of Appeals na ituloy ang suspension order laban sa mga opisyal ng Commission on Elections na sangkot sa overpriced Ballot Secrecy Folder scam.

Kasabay ito ng pagbasura kahapon ng appellate court sa hinihinging temporary restraining order ng mga opisyal ng Comelec na humiling na harangin at huwag ipatupad ng anim na buwang suspension order ng Office of the Ombudsman.

Batay sa 2-pahinang Resolution ng CA Special 15th Division, na ipinonente ni Associate Justice Magdangal M. De Leon, chairman ng division, wala umanong pagbabasehan para bigyan ng hinihinging TRO ang mga umaapelang Comelec official.

Dahil dito, epektibo pa rin ang pagsuspinde kina Co-melec Bids and Awards Committee chairman Atty. Maria Lea R. Alarkon at BAC members Atty. Allen Francis B. Abaya, Atty. Maria Norina T. Casingal, Atty. Martin B. Niedo at Mr. Antonio B. Santella.

Samantala, inatasan na rin ng CA ang Ombudsman na maghain ng paliwanag sa loob ng 10 araw para sa pag-aaral ng mga mahistrado kung dapat na pagbigyan ang apela ng mga nasabing Comelec official.

Pinaghahain din ng reply ang mga petisyuner sa loob ng limang araw matapos matanggap ang ifu-furnish na kopya ng paliwanag ng Ombudsman. Ann Pimentel

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply