CVO sa Ampatuan massacre timbog

INARESTO ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya ang isang miyembro ng Civilian Volunteer Organization na sangkot sa masaker sa Ampatuan, Maguindanao, noong Nobyembre 23.

Kinilala itong si Mohamad Datumanong, may patong sa ulo na P250,000.

Ayon kay PNP spokesman,  Senior Superintendent Agrimero A.Cruz Jr., dakong alas-10:00 ng umaga nang arestuhin si Datumanong sa Barangay Samba, sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, sa Maguindanao.

Nabatid na sumasailalim si Datumanong na nagpakilala sa ibang pangalan, sa 45 araw na CAFGU training sa 38th Infantry Battalion nang ito ay dakpin.

Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa iba pang sangkot sa masaker kung saan 57 katao ang pinaslang. Evelyn Garcia

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply