Daddy-baby bonding moments

FOR too long we have put all the pressure to successfully breasfeed on the mother.  But it’s clear that if the Philippines wants to improve its low exclusive breastfeeding rates, everyone must play
their part, including fathers, grandparents, health professionals, milk companies, employers, and the government.

Ito ang mensahe ni UNICEF country representative Vanessa Tobin sa pagtatapos ng breastfeeding month ngayong Agosto.

Kumpiyansa ang UNICEF, World Health Organization (WHO) at ang Department of Health (DOH) na mahalaga ang malawakang commitment mula sa lahat ng sektor ng lipunan na suportahan ang ekslusibong pagpapasuso ng mga ina sa unang anim na buwan at tuloy-tuloy bago
ipakilala kay  baby ang solid food’.

Ani Tobin, bagama’t tumataas ang bilang ng mga ina na nagpapasuso na umabot na sa 88 porsyento,  pero agad namang binibigyan ng likido gaya ng tubig at formula milk,  kaya hindi
nakukuha ni baby ang mga benepisyong dulot ng breastfeeding.

Nasa 34 na porsyento lamang ng mga ina ang ang nakapagbibigay ng breasmilk hanggang sa unang 6 na buwan.

Ang mixed feeding—ang pagpapakilala ng iba pang likido o pagkain bago sumapit ang 6 na buwan ay nagiging sanhi ng problema sa kalusugan ni baby gaya ng allergies, respiratory infections, pagtatae, dehydration at maging pagkamatay nito.

Kasabay ng pagtatapos ng breasfeeding month, nanawagan ang DOH, UNICEF at WHO sa mga pamilya at kaibigan na tulungan ang mga ina sa matagumpay na pagpapasuso.   Kumunsulta sa health professionals para maresolba ang problema sa pagpapasuso.  Tiyakin din na masustansiyang pagkain ang naibibigay sa isang ina at maraming likido gaya ng tubig, juice at gatas.

Sinabi pa ni Tobin na mahalaga ang papel na ginagampanan ng pribadong sektor sa bansa kaugnay sa breastfeeding.

Sa Republic Act 10028 o ang ‘The Expanded breastfeeding Promotions Act of 2009 na akda ni Sen. Pia Cayetano, obligado ang employers na bigyan ng breasfeeding breaks ang mga ina na bumalik sa kanilang trabaho.  Gayundin ang isang pribado, tahimik (lactation station) na lugar na may fridge para doon pansamantalang ilagay ang kanilang gatas na naipon habang nasa trabaho.  “And milk companies must abide by the code on marketing of breastmilk substitutes, ensuring they are not sending confusing or alternative messages to mothers or health workers,” ayon sa batas.

Nilinaw din ni Dr. Soe Nyunt-U, WHO representative,  na mahalagang sundin ng mga ospital  ang 10 steps para sa matagumpay na pagpapasuso sa baby.

“Research is abundant and shows that if hospitals follow the ten steps then it will lead to reduced deaths and a healthier start for our newborns.  What we need now is to translate policy into action,” ani Nyunt-U.

Ayon kay  Ms. Nuriza G. Abeja, ng Beauty, Brains and Breastfeeding, isang NGO, na kumukunsulta ang mga bagong nanay  sa counselors sa problemang nag-uugat sa kawalan ng kumpiyansa at suporta sa ekslusibong pagpapasuso.

Aniya, minsan iniisip ng mga ina na wala silang sapat na gatas o hindi nadaragdagan ang bigat ni baby habang sumususo sa kaniya.

“But when you explain that almost all mothers have plenty of milk, provided the baby is feeding frequently, and that breasfed and formula-fed babies grow differently, mothers tend to relax and with renewed confidence go on to be successful breastfeeding moms.”

Habang papalapit  ang anibersaryo ng pananalanta ng bagyong Ondoy sa bansa, iginiit ni Abeja na dapat gunitain ng bawat pamilya na ang pagpapasuso ay nakapagliligtas ng buhay ng sanggol lalo na kung ang isang pamilya ay pansamantalang naninirahan sa  evacuation centers.

Milk companies should encourage mothers to breastfeed through limiting the donations of formula milk to vulnerable families at this time, ani Abeja.

Daddy-baby bonding moments

Dahil pangunahing papel ni mommy na  i-breasfeed si baby, bilang isang daddy, malaki din ang magiging bahagi mo para mapagaan ang feeding time at  magkaroon din kayo ni baby ng perfect-bonding.
•       Ikaw  naman ang magpalit ng diaper ni baby.
•        Padighayain si baby pagkatapos sumuso.
•       Patulugin siya habang inihehele.
•       Kung pwede na siyang pakainin ng solid food, ikaw na ang gumawa.
•       Paliguan at masahiin si baby.
•       Ilagay si baby sa hubad mong katawan banding dibdib para sa ‘skin to
skin contact at masanay siya sa iyong amoy.
•       Kargahin si baby, kausapin, basahan ng kwento at kantahan. Kailangan din ni mommy ng suporta mo bilang asawa.
•       Dalhan mo siya ng maiinom habang napapasuso.
•       Tiyakin mo na komportable ang lagay o kinalalgyan ng iyong mag-ina.
•       Pwedeng tabihan mo siya at i-enjoy ang feeding process.
•       Tulungan siya sa gawaing bahay gaya ng pagluluto, pagliliniss at
paggo-gorcery.
•       Ipaghanda siya ng pagkain.
•       Siyempre, sabi nga, at the end of the day, bigyan siya ng isang
karinyosong masahe.  Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply