Dating konsehal itinumba ng hitman

MALALIMANG imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad hinggil sa pagkasawi ng dating konsehal ng Bulacan na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang lalaki, sa loob ng food chain sa Quezon City.

Sa ulat Chief  Supt. Benjardi Mantele, kinilala ang biktima na si Jose Vladimir Laba, 40, may-asawa, residente ng Bulacan, Bulacan.

Binawian ng buhay ang biktima  dakong alas-11:00 ng umaga habang nilalapatan ng lunas sa St. Lukes Medical Center dahil sa tinamong apat na tama ng bala sa likod ng hindi malamang kalibre  ng baril.

Lumilitaw  sa pagsisiyasat, pasado alas-7:30 ng umaga nang maganap ang pamamaril  sa isang food chain sa Morato ave., kung saan pumasok si Laba para kumain.

Nang tamaan ng punglo ay kaagad na tumimbuwang ang duguan biktima bago mabilis na tinungo ng salarin ang naghihintay na kasamahan, sakay ng Honda HRM na ginamit para tumakas.

Napag-alaman na nag-kasundo ang biktima at tiyuhin nito na si Atty. Francisco Laba  na mag-almusal sa naturang food chain.

Nabigla na lamang ang tiyuhin ng biktima ,nang salubungin ito ng balita na binaril ang kanyang pamangkin .

Hinala ng pulisya, posible na hitman ang may kagagawan dahil sa estilo ng pagpaslang sa dating konsehal ng Bulacan. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply