Drummer ng bandang Pupil, boypren ni Katya Santos

Drummer pala ng Pupil Band ang boyfriend ngayon ni Katya Santos. Nakita namin ito nu’ng magpa-pictorial  ang buong cast ng  comedy play na ‘Sex Ejokecation (Sex Jokes) na ipapalabas sa Metro Bar sa September 9. Ito ay fund-raising show ng National Press Club na  ang Pangulo ay si Jerry Yap.

Tampok din sa show na ito sina Leo Martinez, Marco Alcaraz, Princess Ryan, Kissa Kurdi, Archie Adamos, Jenny Saylon . Special participation naman sina Maureen Larazzabal at Jograd De La Torre. Sa direksyon ito ni Joe Carreon.

Maselan ang play na ito at kaswal lang na maririnig ang mga vulgar words per matatawa ka .Hindi nababahala sina Leo at Katya na batikusin ito dahil hindi naman daw kailangan ang MTRCB dito. Bukod dito,hindi naman televised at for adults only ang manonood.

Oks lang kay Katya ang ganitong tema dahil hindi naman niya kailangang maghubad sa naturang play.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply