Erich Gonzales ilusyonada!

ILUSYONADA lang ba si Erich Gonzales kay Coco Martin?

Iyon ang lumalabas kung pagbabasehan ang mga sagot ng aktor sa aming tanong kay Coco kung nililigawan ba niya si Erich. Ang laging matunog na “Hindi!” ang isinasagot niya.

Pati tuloy si Kris Aquino ay lumabas na sinungaling dahil isa si Kristeta sa mga nagsabing nililigawan niya si Erich. “Natutuwa lang siguro si Ms. Kris sa amin ni Erich kaya niya nasabi ýun. Magkaibigan lang kami ni Erich. Nothing more,” ulit na naman ni Coco.

Sa hectic daw ng sked niya sa bago niyang TV show, ay wala na raw siyang time para manligaw kahit kanino. Pati nga ‘yung gagawin niyang indie film ay sa January na niya masisimulan under his mentor Direk Brillante. Kukunan ito sa France at may mga French actors silang makakasama.

First mainstream movie niya ang “Sa ‘Yo Lamang” at masuwerte siya dahil kasama niya ang mga de-kalibreng artistang sina Lorna Tolentino at Christopher de Leon. Meron silang lovescene dito ni Shaina Magdayao.

“Nagpapasalamat ako kay Shaina sa pagtitiwala na ibinigay niya sa akin. Kasi ito ang pinakaunang lovescene na ginawa niya kaya naman sobrang pag-iingat ang ginawa ko. Nahihiya rin kasi ako kay John Lloyd. Kasi ayokong may masabi siya sa akin na tipong nagte-take-advantage sa girlfriend niya. E, hindi naman ako ganoong klaseng tao,”paliwanag ni Coco.

P8OM makukuha ni James Yap kay Kris

How true na P8OM ang nakatakdang makukuha ni James Yap sa paghahatian nila ng conjugal properties nila ni Kris Aquino kung ma-finalized na ang kanilang annulment? Wala kasing nangyaring pirmahan na prenuptial agreement sa kanilang dalawa ni Kris.

Pero ayon kay James wala siyang interes sa pera. Mas gusto lang niyang makapiling ang kanyang anak na si Baby James. Pero bakit nakataas ang kilay ng mga sympathizers ni Kris? Abangan ang susunod na kabanata! Tonee Coraza

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply