EUGENE DOMINGO, HINDI TSUGI SA TANGING INA NI AI AI DELAS ALAS

Napakapalad  ngang maituturing itong si Eugene Domingo na kung saan ay magkakaroon na ng part 2 ang kanyang Kimi Dora na prodyus ni Piolo Pascual.

Under negotiation na nga ang nalalapit na paggiling ng kamera para sa part 2 ng Kimi Dora kaya ganun na lang ang pasasalamat ni Uge sa Itaas sa pagbibigay sa kanya ng maraming blessings.
Dagdag kasiyahan pa na nararamdaman ni Eugene ay itong pagkakapasok niya na isa sa entry ng Metro Manila Film Festival 2010 ang movie ng BFF niya na si Ai Ai Delas Alas na kung saan ay last part na itong Tanging Ina na naging usap usapan na hindi na siya ka join sa huling part ng Tanging Ina na may titulo na ito na bago na Tanging Ina Mo Rin.

Yes, wala daw katotohanan ang tsika na nagkalat na hindi na siya kasali sa nasabing movie.

Pasok daw siya muli sa huling part ng Tanging Ina kaya ganun na lang ang kanyang kasiyahan kaya ‘yung nagwi wish na huiwag siyang masama sa last part ng Tanging Ina, anong say ninyo ay kasama ulit si Uge.

Saka sa simula pa lang ay kasama na si Eugene kung hindi nga siya isasama sa Tanging Ina Mo Rin ay para raw wala na rin saysay, di ba?
‘Yun na! Lovi Llosa

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply