Facebook ni PNoy inulan ng batikos

BATIKOS at negatibong komento ang karamihang natanggap ng Facebook account ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III simula nang matapos sa malagim na paraan ang hostage-taking drama sa Quirino Grandstand sa Rizal Park sa Maynila.

Ngunit sinabi ng Malakanyang kahapon na inaasahan na nila ito.

“I think, it’s understandable that people feel angry and upset about what happened. So, we would be surprised,” ayon kay Secretary Ricky Carandang ng Communications Group ng Palasyo.

Samantala, magpapadala ang Malakanyang ng maliit na delegasyon sa Hong Kong upang ipaliwanag sa pamahalaan ng Tsina ang mga pangyayari.

Ayon kay Carandang, hindi makatarungan na ang mga inosenteng overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong ang magbayad sa madugong insidente.

Nauna rito ay naiulat ang ilang insidente kung saan pinalayas ng mga among Tsino ang mga Pilipinang nagsisilbi sa kanila bilang domestic workers.

Gayundin ay nakatanggap na mga pagbabanta ang ilang OFW doon mula sa kanilang mga amo.

Nakipagpulong din kahapon si Pangulong Aquino sa Chinese ambassador, ilang Hong Kong official at Donald Tsang, chief executive ng Hong Kong Special Administrative Region ng People’s Republic of China.

Kamakalawa ay nagpahayag ng pagkadismaya si Tsang dahil hindi niya makontak ang Pangulo habang nangyayari ang hostage-taking incident.

Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na nasa closed-door meeting ang Pangulo kaya’t hindi nito alam na tinatawagan na pala siya ni Tsang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply