Full-blown dengue epidemic ibinabala

NAGBABALA si Aurora Rep. Sonny Angara na matapos ang trahedyang nangyari sa Quirino Grandstand ay malamang masundan pa  ng isa pang trahedya dulot ng pagkalat ng sakit na dengue kapag hindi agad kumilos ang administrasyong Aquino.

Sinabi ni Angara na   isang krisis ang nagbabanta sa bansa, ito ay ang pagkakaroon ng full-blown dengue epidemic sa buong kapuluan.

Tinukoy ni Angara na bagama’t inatasan na ang Department of Health na paigitingin ang kampanya kung paano maiiwasan ang sakit na ito ay kakaunti lamang aniya sa mga lokal na opisyal ang nakababatid sa panganib na ito.

Kabilang sa mga kilalang personalidad na nagkaroon ng dengue ay ang mga taga-showbiz na sina Derek Ramsey, John Pratts, Enchong Dy at child actor Buboy Villar na bagama’t nakatira sa mga bahay na airconditioned ay nagkaroon pa rin nito.

” The admission of the Department of Health that there is a 75 percent increase in dengue cases nationwide is a very serious concern that should be immediately addressed by the national government. While we commend the appointment of presidential sister Kris Aquino as the government’s ambassador against dengue, we need more concrete steps to ensure that these dengue-carrying mosquitoes will not find their way into out homes, our schools, our offices and elsewhere,” wika ni Angara.

Inudyukan din ni Angara ang DOH na umisip ng mga pang-matagalang solusyon gaya ng pagpapaunlad sa research o pagsasaliksik kung paano matutulungan ang mga dengue victims. Meliza Maluntag

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply