Gag order sa hostage investigation kinontra

MAGPAPAALAB lamang sa ngitngit ng international community ang ‘gag order’ na ipinalabas ng Department of Justice kaugnay sa madugong hostage-drama sa Quirino grandstand .

Ito ang naging reaksyon ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, chairman ng House Committee on Public Information dahil magiging tama lamang aniya ang persepsyon ng tao na totoong palpak ang naging operasyon ng pulis sa naturang insidente.

” Only an investigation conducted with full transparency and with the objective of uncovering the whole truth no matter how embarassing the truth would be to the leaders of government would be acceptable to the international community,” giit pa ni Evardone.

Ang ikinababahala pa ni Evardone ay kung magbigay ng maling senyales ang gag order partikular sa Hongkong government.

Samantala, pinagpapaliwanag naman ni San Juan Rep. JV Ejercito ang Ombudsman sa isang congressional investigation kung ano ang naging papel nito sa pagkabigo ng negosasyon sa kasagsagan ng hostage drama.

“Another angle that we should look into is the voluminous cases at the Office of the Ombudsman that involves police officers and enlisted men. The Ombudsman must find measures to have a speedy, fair and just resolution of cases,” ayon pa kay Ejercito.

Binanggit pa ni Ejercito na kailangang mabatid kung bakit naging matagal ang desisyon sa kaso ni Sr. Inspector Rolando Mendoza at maging ng iba pang magreretirong mga pulis. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply