Handa ka na ba sa panukalang diborsyo?

“ANG pinagsama ng Diyos ay huwag papaghiwalayin ng tao. Kaya nga hindi na sila dalawa kundi iisa.”

Ito ang kautusan ng Diyos na nakasulat sa banal na kasulatan at hindi ipinahihintulot ang diborsyo sa mag-asawa.

Hati ang mga mambabatas sa Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso maging ang mga ordinaryong mamamayan kaugnay sa muling paghahain ng Gabriela Partylist sa kontrobersyal na gawing legal ang diborsiyo sa bansa.

Sa pananaw ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III,  tutol siya sa panukalang diborsyo dahil maaaring maabuso ito at maging dahilan ng pagiging mabuway o mahinang pagsasama ng pamilyang Pilipino.

Posible aniyang lumala ang mga karahasan sa paligid dulot ng broken families.

Ang pamilya ang pinakamaliit na yunit sa ating lipunan. Dito nagsisimula ang paghubog sa ating mga anak sa pagkakaroon ng magandang asal, pagpapatibay at pagpapatatag sa sambahayan at pagkakaroon ng matatag na bansa.

Nangangamba si Sotto na mauwi sa pagkaabuso ang batas hinggil sa diborsyo dahil magiging susugan ito ng mga mag-asawang hindi magkakaunawaan kahit sa simpleng dahilan gayung may  mga paraan pa naman para ito’y maresolba.

Bagama’t kilala sa showbiz ang pamilya ni Sotto, maituturing na matatag at konserbatibo ang kaniyang sambahayan.

Naniniwala naman si Sen. Loren Legarda at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na sapat na ang umiiral na batas sa ‘civil separation’ sa pagitan ng mag-asawa.

Nais namang repasuhin ni Sen. Pia Cayetano, chair, Senate Committee on Youth, Women and Family ang mga umiiral na batas na hindi pabor sa kababaihan kasama na ang pag-amyenda o pagpapawalang bisa nito.

“I’ll conduct public hearings on divorce but only after a bill has been filed in the Senate. I have  no qualms discussing divorce proposals,” ayon kay Cayetano.   “Several laws containing distinctions, exclusions and restrictions against women persist despite great advancements in the recognition of women’s rights in recent decades. “We need to strip our existing laws of all discriminatory provisions against women to ensure that their constitutionally-guaranteed rights are upheld and to allow them to actively participate in and contribute to our national development.”

Halimbawa aniya nito,  sapat na kapag ang isang babaeng may-asawa ay nahuli na aktuwal na nakikipagtalik sa ibang lalaki ay awtomatikong mako-convict ng kasong adultery.

Samantalang ang isang lalaking may-asawa, mako-convict lamang sa kasong concubinage kung mapatutunayang ‘ibinabahay nito ang kaniyang kabit’ o nahuli na nakikipagtalik sa ibang babae sa isang eskandalosong pamamaraan o nakikisama sa ibang babae sa ibang lugar.

Nauunawaan naman ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na may mga kaso sa Pilipinas na imposible nang isalba ang pagsasama ng mag-asawa.  “Halimbawa pagka-physical harm o ginugulpi ‘yung asawa or pagka yung asawa ay addict or whatever situation na wala ng happiness yun marriage.” “But nangangamba ako na if we allow yung divorce, lalo na yung gusto nila klase ng divorce na yun tinatawag sa US na no fault divorce, it might cause more harm than good because if we are saying a minority or small group of people married sa Philippines na may problema, that can be addressed by strengthen the remedy of the annulment by psychological incapacity.”

“Ang problema ngayon  napakatagal, napakamahal, kung wala kang abogado at kahit may abagodo ka, mahirap magpa-annul. That’s why a lot of people feel helpless and hopeless in their marriage. So don’t get me wrong, hindi ko sinasabi na porke’t 80% or 90% are happy in their marriage, or working it out, ay ‘wag nating pansinin ang 10 or 15 percent or 5 percent. Le’ts remedy that but the best remedy there still available. Declaration of nullity or annulment or annulment by psychological incapacity. Yun legal separation is recognizing that you are still husband and wife, binibigyan lang kayo ng kung panahon na magkahiwalay.   Pag sinabi mong legal separation pero mag-asawa ulit,
divorce din ‘yun, iniba mo lang yun pangalan. So I think it would do more harm than good but I do agree that we have to address people who feel that they are in impossible situation or impossible marriages,” paliwanag ni Companero Alan Cayetano sa isang lunch kasama ang mamamahayag sa Senado.

Sa ilalim ng divorce bill,  kinikilala ang ilang  mga basehan upang  makapaghain ng diborsyo ang mag-asawa; hiwalay na sa loob 5 taon; nakapagdeklara ng legal separation sa loob ng dalawang
taon; irreparable breakdown ng kanilang pagsasama; psychological incapacity, at irreconcilable differences.

Tips para mapananatili ang relasyon:
HINDI lamang para sa teen-agers ang romansa.  “Age doesn’t matter’ ika nga. Kung  nasa isang magandang relasyon ka pero nangangamba na posibleng mawala pa gayung gusto mo ng siya ang makasama hanggang sa pagtanda, naririto ang ilang tips.  “Single people might think that it’s really obvious, but if you’re in a relationship, you just don’t see things the same anymore,” ayon sa relationship expert.

Communicate. Kung medyo lumalabo ang relasyon  dahil sa isang isyu, kausapin ang  partner  at ipaliwanag ang iyong nararamdaman para maresolba ito hangga’t maaga.  “Talk quite a bit, but don’t keep calling over and over and over again. It’s bad.”

Don’t smother them.  Syempre,  masarap sa isang relasyon ang magkasama kayo.  Nakasasakal naman kung lagi kang nakabuntot.  Kahit mag-asawa na, aminin natin na may sarili pa ring grupo o kaibigan ang isa’t-isa at kailangang lumabas na magkakasama paminsan-minsan. If the person fell for you because you’re funny, or you’re fun to hang around with, don’t change when you start to go out. “Don’t get all lovey-dovey, because they won’t be dating you for the reason they started to date you anymore.”

Don’t start to say ‘I love you’ too soon. Huwag masyadong maging emosyonal sa simula. “It can’t get all too serious right away.” Don’t consistently tell the person you’re dating that they’re hot, that you feel lucky that you got them, or that you don’t know how you got them. Iwasan ang pagbibigay ng paulit-ulit na mga papuri o komplimento sa simula.  “They might feel the same way, and wonder why they’re dating you. “Just don’t compliment too much.”

Don’t talk about ex’s, or these other girls/guys you were talking to at school/work/home/whatever. Kahit paulit-ulit na sabihin mo sa iyong partner na walang nangyari sa inyo ng ex mo at hindi  mo siya
lolokohin, hindi mo dapat na bigyan siya ng idea na pwede mong magawa  ang ganito. “They should never think that, because then they could turn out to be paranoid.

Don’t be suspicious of them. Ito ang madalas na nakasisira sa isang relasyon.  “If you don’t trust the person you’re dating, you won’t last very long.”  Mahalaga ang tiwala sa isa’t isa para sa ikatatag ng relasyon.

Masaya ba ang sex life mo?
Masakit at insulto sa pagkatao ng isan lalaki ang kawalan ng kakayahan na magpaligaya sa kaniyang partner sa pagtatalik o sex. “Feeling ko wala akong silbi,” ayon sa isang negosyante.

Pinatunayan ng mga pag-aaral ang kabutihang naidudulot ng sex hindi lamang sa pagpapatibay ng pagsasama ng mag-asawa kundi maging sa pansariling kalusugan.  Ito ay nagpapaganda sa daloy ng dugo, nagpapatibay ng puso, buto at muscles, nakababawas ng cholesterol level, nakapagpapaalis ng stress, proteksyon sa prostate cancer at nagpapaganda ng ating tulog.

Hindi ba’t may kasabihan na kapag mainit ang ulo ng iyong asawa o partner, sex lang ang katapat niyan!  Tama, dahil pagkatapos ng masarap na sexual performance, asahan mo ang isang mabait at
maamong kilos ni sweetheart.  Abot tenga ang ngiti ika nga.

Kaya sa kalalakihan na hindi pinalad na magkaroon ng katangian na magpagana sa kanilang partner sa pagtatalik  gaano man nito gustuhin, ay sumasangguni sa espesyalista kahit gumastos pa.

May mga suplemento mula sa mga pagkain sa ating paligid at mga halaman na sinasabing nakatutulong sa sexual desire ng kalalakihan maging ng kababaihan.

Durian
Ito ay  tinaguriang ‘King of allfruits’ na sagana sa Davao City, makapal ang balat at ang amoy ay alayo sa lasa nito. “Evil smell but heaven taste.”

Sa testimonya ng ilang Davaoenos, ang isang pirasong laman ng durian ay agad na nakapagdudulot ng pag-iinit ng katawan at nakabubuhay ng kanilang libido.  Kaya nga ipinapayo ng health experts na limitahan ang konsumo nito.

Nakapagpapataas din ito ng blood pressure.  Pero hanggang sa mga sandaling ito ay wala pang siyantipikong pag-aaral na makapagpapatunay na maituturing na aphrodisiac ang prutas na ito.

Ang L-Arginine at Epimedium o mas kilala bilang Horny Goat Weed ay kilala din na aphrodisiacs.

Ang L-Arginine ay mahalagang amino acid at isa sa importanteng  building blocks of protein, na kilala din na nakatutulong sa erectile dysfunction sa kalalakihan at nakapagpapataas ng libido (sex drive) ng kababaihan.

Mahalaga ang amino acid sa pagpo-produce nitric oxide (NO) sa katawan.  Ito din ay mahalaga sa  blood circulation at penis erection. Pinatunayan ang L-Arginine’s potency sa isang pag-aaral na inilathala sa British Journal of Urology International na nag-evaluate sa nitric oxide levels sa  50 kalalakihan na may problema sa erectile dysfunction.

Napatunayan na sa 29 lalaki (31%) na binigyan ng L-Arginine ay nagkaroon ng significant improvement sa kanilang  sexual performance at tumaas  ng kalahati ang kanilang nitric oxide.

Ang Horny Goat Weed, isang uri ng halaman na bagama’t nakatutuwa ang pangalan, nagtataglay ng potent effects para sa sexual desire.  Ito’y matagal nang kilala sa pagpapanumbalik sa sexual
appetite o gana sa pakikipagtalik, nakapagdaragdag ng libido at tibay sa pagtatalik, nakapagpapabuti sa erectile function at nakapapawi sa menopausal discomfort sa kababaihan.  “Its leaves, the most potent part of the plant, contain various essential nutrients such as polysaccharides, flavonoids, sterols and an alkaloid called Magnaflorine. It is recognized as a traditional Chinese medicine for
centuries,” ayon sa pag-aaral.

Robust Dietary SupplementMatatagpuan ang mga nabanggit na potent aphrodisiacs sa supplement na ito para sa kalalakihan, ligtas at epektibong sexual stimulant. Nakapagdaragdag ng tibay sa pagtatalik, naagapan ang premature ejaculation at nakatutulong sa ligtas na erectile function. Ito rin ay medically-proven para ma-stimulate ang produksiyon ng testosterone, ang male hormone na responsible sa pagkakaroon ng  libido (sexual drive) at sperm cells.

Bukod sa L-Arginine at Horny Goat Weed, taglay din ng Robust ang kilalang aphrodisiacs gaya ng Tea, Ginseng, Ginkgo Biloba, Dahurian Angelica Root at iba pang natural herb extracts na nakapagpapataas ng sexual function at nagpapatibay ng gana sa pagtatalik.  Linda Bohol

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply