Harina tataas pa sa Oktubre

Muling na namang tataas ang presyo ng harina ng P50 kada sako sa Oktubre.

Ito ang naging pahayag kahapon ng grupo ng mga flour miller matapos ang kanilang P60 kada sakong dagdag-presyo.

Ipinaliwanag ni Ric Pinca, executive director ng Philippine Association of Flour Millers, na bunsod pa rin ito ng pagtaas ng presyo ng trigo noong Hulyo at ngayong Agosto.

Sa harap nito, nanlumo naman ang mga panadero dahil wala pa umano silang ipinatutupad na dagdag-presyo, may anunsyo na naman ng dagdag-presyo sa harina.

Humingi ng paumanhin sa publiko ang Philippine Federation of Bakers Association dahil sigurado umanong tataas ang presyo nito sa mga susunod na linggo.

Inihayag ni PFBA president Chito Chavez na hindi bababa sa P1 ang taas sa presyo ng loaf bread, habang hindi pa naman napagpapasyahan kung liliitan na lang o tataasan ng P0.25 o P0.50 ang presyo ng pandesal.  B. Abaygar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply