‘Hostage-taking’ sa Maynila ‘act of terrorism’

“TERORISMO” ang nangyaring pangho-hostage na ginawa ng isang pulis sa mahigit 20 Chinese nationals sa loob ng isang bus sa Maynila kahapon.

Tahasang sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na “act of terrorism” ang nangyari. “That comes under the anti-terrorism law,” ayon sa senador.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga opisyal ng Hong Kong sa nangyaring hostage crisis kung saan marami ang napaulat na nasawi, karamihan dito ay mga Tsino.

“We have never had anything like this before. We are very much concerned,” ani Joseph Tung ng Hong Kong Travel Industry Council.

Ayon sa Hong Thai Travel Agency pauwi na sana kagabi ang mga nabihag na mga turista.

Matapos ang halos 12 oras, napatay ng mga otoridad ang hostage taker na si Mendoza.

Una rito, pinakawalan ni Mendoza, isang dating pulis, ang isang photographer na si Danilo Lemuel. Pinalaya rin ng hostage taker ang 73-anyos na si Li Yick Biu.

Anim na mga hostage ang unang pinalaya ni Mendoza mula sa 25 na kanyang binihag.

Nakalaya rin ang driver ng bus na si Bobet Lubang na taga Guinobatan, Albay, at si Diana Chan, isang tour guide na taga-lungsod ng Cavite.

Ayon sa mga ulat, sumakay sa Fort Santiago sa Intramuros, Manila, si Mendoza. Pagdating ng Luneta ay nagdeklara itong hino-hostage niya ang mga pasahero ng bus.

Agad na hiniling ni Mendoza na magpalabas ng rekomendasyon ang Ombudsman sa kanyang nakabinbing kaso. Hinihiling din ng suspek na maamyendahan ang kanyang “dismissal order” at maibalik ito sa trabaho.

Ayon sa impormasyon ng mga otoridad, sinibak sa tungkulin si Mendoza dahil sa umano’y kaso ng extortion.

Si Mendoza ay dating ay naparangalan na minsan bilang “outstanding policeman.”

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply