‘In Your Eyes’ humahataw sa takilya

Tuwang-tuwa ang GMA at Viva Films sa naging resulta sa takilya ng pelikulang In Your Eyes nina Claudine Barretto, Richard Gutierrez at Anne Curtis. Sa first week nito ay naka-P70M ang kinita nito at hanggang ngayon ay showing pa rin ito sa 100 theaters on their second week. Ipapalabas din ito sa iba’t ibang bansa abroad.

At dahil nga sa lakas ng first team-up nina Chard at Anne ay nagbabalak na ang GMA at Viva na bigyan sila ng follow-up movie. Malamang daw ay ituloy na nila ang Valentine’s movie na Maybe This Time for next year para sa dalawa.

Samantala, nakatakda namang gumawa si Claudine ng movie with her ex-boyfriend and former loveteam na si Mark Anthony Fernandez sa remake ng Langis At Tubig.

Mukhang tuloy-tuloy din ang magandang relasyon ng GMA at Viva dahil may tsismis ngayong kumakalat na ililipat na raw ng Viva ang lahat ng talents nila sa ABS-CBN sa GMA.

May naghihinala na baka raw si Sarah Geronimo ýun. Pero parang malabong mangyari sa ngayon kasi magsisimula palang umere ang bagong TV show ni Sarah sa ABS na “Idol” kasama sina Sam Milby at Coco Martin. Parang malabo rin si Anne dahil may tine-taping din itong bagong show sa ABS sa kasalukuyan. At lalong imposibleng si Cristine Reyes ito dahil ayaw na mismong bumalik ni Cristine sa GMA at on-going ang teleserye nito na Kristine sa Kapamilya Network.

Pero kinumpirma mismo ni Veronique del Rosario na may isang Viva artist ang lilipat sa GMA next month. At magpapatawag daw ng prescon para dito. Sino kaya ito? Tonee Coraza

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply