Jackie Chan ‘sinalo’ ang PNP sa Luneta tragedy

SA kabila nang hinanakit ng bansang Hong Kong sa naganap na Hostage drama kamakailan, nagbigay naman ng kanyang saloobin ang Hollywood actor na si Jackie Chan at nagsabi na mawawala rin balang araw sa kanyang mga kababayan ang kirot na naramdaman.

Ipinagtanggol kahapon nga ni Jackie Chan ang palpak at madugong hostage crisis sa Maynila.

Ani Chan sa kanyang Twitter account, nalulungkot siya sa nangyari dahil sa Pilipinas pa ito naganap.

Aniya, hindi ito napapansin ng iba dahil hindi ito nangyayari sa kanila.

Dagdag pa ng Hong Kong actor, hindi naiiwasan ang insidenteng pangho-hostage ngunit masakit lang malamang naging biktima ang kanyang mga kababayan.

Pinanigan din ni Chan ang PNP dahil sadyang mahirap umano ang sitwasyon ng mga ito sa pagresponde sa hostage drama.

Aniya, “HK is a nation built by a lot of different people..don’t worry! We do not hate! Humans should be united and not kill or hate each other.”

Isa sa mga pinakasikat na pelikula ni Chan ay ang “The Karate Kid.”

Bumisita na rin umano siya sa Pilipinas noong 2006 kung saan nakipagpulong ito sa mga kinatawan ng Philippine National Red Cross, UNAIDS at World Wildlife Fund. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply