Kalayaan ni Trillanes pinagtibay

PINAGTIBAY ng Senado ang isang resolusyon na humihiling sa Korte Suprema na payagan si Sen. Antonio Trillanes IV na gampanan ang kanyang tungkuling pang-lehislatura sa pamamagitan ng pagdalo at paglaho sa sesyon at iba pang gawain sa Senado.

Sa Proposed Resolution No. 84, nagkaisa ang 16 na senador sa pagsasabing “alinsunod ang resolusyon sa kapangyarihan na iniatang kay Trillanes na mahigit 11 milyong bomoto dito noong halalan ng Mayo 2007.

Kamakailan, ibinasura ng Makati Regional Trial Court Branch 148 ang petisyon ng kampo ni Trillanes na makadalo sa pagbubukas ng ika-15 Kongreso noong Hulyo 26 at makadalo sa unang state of the nation address ni Pangulong Benigno Simeone Aquino III.

“Senator Trillanes was elected as a Senator with 11,189,671 votes despite the fact that he was under detention and pending the resolution of the charge against him for an attempted coup d’ etat in 2007. This is a clear indication and the unmistakable mandate of the electorate for him to serve as a member of the Senate,” ayon sa resolusyon.

Nahaharap si Trillanes sa kasong rebelyon matapos pangunahan ang Manila Peninsula stand-off noong 2007 at nakapaglagak na rin siya ng piyansa sa korte sa naturang panahon din.

Sinabi ng resolusyon na alinsunod ito sa pandaigdigang batas dahil kinasuhan si Trillanes ng pagkakasalang pulitikal kaya maituturing na political prisoner siya.

“Hinihikayat ng resolusyon ang korte na irespeto ang rekomendasyon ng Inter-Parliamentary Union (IPU) sa pamahalaan ng Pilipinas na kundi man mapalaya si Sen. Trillanes, habang dinidinig ang kanyang kaso, o payagan siyang dumalo sa sesyon at bigyan siya ng anumang uri ng pasilidad upang magampanan niya ang kanyang tungkulin sa makabuluhang pamamaraan,” giit ng resolusyon.

“Tinitignan ng Senado ang rekomendasyon ng IPU na bigyan si Trillanes ng pansamantalang kalayaan. Pero, kailangan din natin na respetuhin ang ating sariling sistema ng hudikatura. Kaya nga, ipinararating lamang naming ang sentimiyento ng lahat ng lumagda sa pinagtibay na resolusyon,” giit pa ng resolusyon.

Hiniling din ng resolusyon sa Korte Suprema na ilipat sa kustodiya kay Trillane sa Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA) ng Senado mula sa pangangalaga ng Philippine National Police (PNP) habang may sesyon at titiyakin naman ng OSAA na makadadalo si Trillanes sa paglilitis, pagdinig o anumang pangyayari sa kaso na isinampa laban sa kanya maliban lamang kung ipagpapaliban ng korte,

“We are appealing to the courts, through this resolution, to allow Senator Trillanes to be temporarily placed under our custody during session. He will be guarded by the Office of the Senate Sergeant-at-arms (OSAA) at all times,” ayon pa ng resolusyon. Ernie Reyes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply